NAPAUNGOL si Jeany sa loob ng bibig ni Nicolo nang maramdaman ang pagpulupot ng mga braso nito sa katawan niya. Naglalambing naman na yumapos ang mga kamay niya sa batok nito; habang hinalik-halikan nito ang kaniyang pisngi at panga. Hinahagod ng mga labi ang papunta sa lalamunan niya. "Thank you for choosing me, Sir Nic." Isinubsob ni Jeany ang mukha sa leeg ng nobyo at hinigpitan pa ang pagkakayakap niya rito. Hindi niya mapigilan ang maging emosyonal dahil sa pagpili sa kaniya nito at hindi si Gwen. "Kasi... Kahit na iniwanan at sinaktan na kita pero hindi ka pa rin nadala sa'kin. Nagtiwala ka pa rin sa'kin." Lalo siyang hinapit ni Nicolo. "Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko, my angel. Pangako, hinding-hindi na uli tayo maghihiwalay." Masuyo nitong hinagod ang kaniyang likod at hinalik