Dahil walang pasok nang araw na iyon kaya ipinasyal ni Nicolo ang kaniyang mag-ina sa isang sikat na family park sa Quezon City. Pagdating pa lang nila ay kaagad na humiyaw si baby Nico nang makarinig ito ng tinitindang sorbetes. "Papa! Kleam! Kleam!" nagpupumiglas ito mula sa pagkakakalong niya dahil gustong magpababa. Sa ilang buwan na lumipas ay marami na rin itong alam na salita. At tuwang-tuwa sila sa kadaldalan nito. "Sige, bibili po tayo, okay? Gusto mo ba nang mas marami?" Natutuwang tumango ang bata at pumalakpak pa. Inalalayan muna niya sa pag-upo si Jeany sa isang bench. "Hintayin mo na lang kami rito, my angel, ha? Para hindi ka na mapagod sa paglalakad. Medyo malayo rin kasi." "Sige, pangga. Hawakan mong mabuti iyang anak mo at baka biglang manakbo sa malayo." Nakangitin