PAUWI na sina Nicolo mula sa pamamasyal sa park. Inabot sila ng hapon dahil hinayaan muna nilang matulog at makapagpahinga si baby Nico bago bumiyahe. Pagod na pagod kasi ito sa kakatakbo. At ganoon din siya na tagahabol dito. Gayun pa man ay masayang-masaya siya dahil naka-bonding niya ang mag-ina. "Magpapaalam sana ako bukas, my angel. Bukas kasi ang flight nina Gwen. Ihahatid ko sana sila sa airport," paalam ni Nicolo kay Jeany habang naglalakad sila pabalik ng parking lot. Humawak ito sa baywang niya at bahagya siyang tinapik doon; habang inaakbayan niya ito at karga naman niya ang anak. "Oo naman, pangga. Ilang beses ka nang nagpaalam sa'kin, eh." He laughed softly. "I just want to make sure na okay lang talaga sa'yo." Kinurot siya nito nang mahina sa tagiliran. "Sira ka talaga.