KAHIT sandali ay hindi umalis ng ospital si Nicolo para iwanan si Jeany. Kahit daplis lang sa braso ang tama nito ay alalang-alala pa rin siya sa asawa. And he was glad that she's okay now. Nagpapahinga na lang ito at bukas din ay puwede nang lumabas sa ospital. Laking-pasalamat din ni Nicolo sa Diyos na hindi naapektuhan ang baby sa tiyan nito. Nasalo raw kaagad ito nina Gwen at Elliana bago pa man bumagsak sa sahig. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagligtas ni Jeany sa buhay ni Elliana, Nic," maluha-luha na sabi ni Gwen nang pumasok ito sa kuwarto at para alamin kung gising na ang asawa niya. "Alam ko na mahal niya ang anak natin. Pero hindi ko in-expect na handa siyang i-risk ang buhay niya just to save my daughter. Mas naiintindihan ko na ngayon kung bakit mo siya minahal. She wa