PAGDATING na pagdating ni Nicolo sa Maynila ay si Jeany kaagad ang pinuntahan niya. Kahapon pa niya ito tinatawagan pero bihirang sumagot. Halos sa text lang ito nagrereply. Kung sinasagot man ang tawag niya, wala pang limang minuto ay pinapatay na kaagad. Sinabi naman ng dalaga na okay lang daw ito at wala lang sa mood makipag-usap. Pero masama pa rin ang kutob niya. Iniisip na nga lang niya na baka naglilihi na talaga ito kaya napaka-moody. "Hello, Sir Nicolo! Si Ma'am Jeany po ba ang hinahanap n'yo?" salubong sa kaniya ng isa sa mga security guard ng condominium. "Yes, boss. Wala ba siya riyan? Umalis ba siya?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng guwardiya. "Ibig sabihin ay hindi n'yo pa po alam, Sir?" Napakunot-noo na rin si Nicolo. "Alam na ano, Boss?" "Ibinenta na po ni Ma'am J