ISANG araw na lang at matatapos na ang misyon nila ni Nicolo sa Guimaras. Nahuli at nasa kustodiya na nila ang mga Russian terrorist na nanggulo roon. Pasalamat si Nicolo dahil nahuli nila ang mga kalaban na walang nalagas na kahit isa man sa mga kasamahan niya. "Hindi pa rin ako mapaniwala, Sir, na ang grupo ni Andreyev ang mastermind sa hostage taking na nangyari sa train noon," wika ni Reuben habang binabasa ang files ng leader ng Russian terrorist. Habang nasa misyon ay napag-alaman ni Nicolo na si Edik Andreyev pala ang nag-utos na i-hostage ang train na iniligtas niya noon sa Maynila mula sa pagsabog. Puro suicidal ang mga tauhan nito na gugustuhin pang mamatay na lang kaysa ang ilaglag ang mga kasamahan. Kaya wala silang napala noon nang mahuli nila ang tauhan nito na nagtanim n