NAGTAGIS ang bagang ni Nicolo pagkatapos siyang tawagan ni Yule at ipaalam ang ginawa ng kaniyang ina. Hindi niya akalain na totohanan nito ang banta at gagamitin laban sa kaniya ang mga taktika sa negosyo. Nag-alala siya lalo dahil hindi niya makontak ang nobya simula pa kanina. Nagtataka rin siya kung bakit hindi man lang ito tumawag para ipaalam ang nangyari. Dali-daling nagligpit si Nicolo at nilapitan si Reuben."Ikaw na muna ang bahala rito, Siaga, ha. Pupuntahan ko lang si Jeany. Hindi ko kasi makontak, eh." "Bakit, Sir? May problema ba?" "It's Mom." Napailing si Reuben. Kilala na rin nito kung paano kumilos ang kaniyang ina. At alam na rin nito na hindi gusto ng kaniyang ina si Jeany. "Problema nga." "Pupuntahan ko lang si Jeany para i-check if okay lang siya. Babalik din ako a