NATULOY sa pagbabakasyon sa Cebu ang pamilya ni Jeany. Dumiretso na kaagad sila sa dati nilang bahay. Bukas na nila dadalhin kay Tiya Selena ang mga anak nila para maka-bonding nito at ng mga pinsan niya. Marahil ay nanibago sa paligid si baby Ichi kaya ang tagal nitong nakatulog. Pinagtulungan na nila ito ni Nicolo na patulugin pero inabot pa rin sila ng madaling araw. Pinigil ni Jeany ang sarili na matawa nang maabutan niya sa sala si Nicolo na dismayado ang mukha. Alam niya na kanina pa nito gustong lambingin siya pero hindi magawa-gawa. Dalawa lang naman kasi ang kuwarto sa bahay na iyon at kay Nico ang isa. "Ano? Isa pang baby?" panunudyo niya rito. "You're laughing at me," nakalabi na sabi ng asawa nang tabihan niya ito ng upo sa sofa. Humilig siya sa balikat nito. "Of course n