NAGULAT si Jeany nang pagdating nila sa tabing-dagat na pinuntahan nila noon ni Nicolo ay nag-iba na ang hitsura niyon. Mula sa simpleng dalampasigan ay nagkaroon na iyon nang makukulay na beach bed at umbrella. Pati ang mga dating ordinaryong bangka ay naging makulay na rin. May mga nakatayo na ring maliliit na cottages at tindahan ng kung ano-ano. Namangha siya sa paligid. "Wow! Isang taon lang tayong hindi nakadalaw sa lugar na ito pero ito na kaagad ang madadatnan natin, pangga." Inakbayan siya ni Nicolo. "Did you like the changes?" "Oo naman! Ang ganda-ganda kaya. Sino ba ang mag-aakala na magta-transform nang ganito ang napakasimpleng dalampasigan lang noon?" Pumalatak siya. "Napakagaling naman ng may-ari nito. Malaking tulong ito sa mga locals dito. Marami ang magkakaroon ng tra