MASAYANG nagtapos ang party at ang lahat ay umuwi ng may mga ngiti sa kanilang labi. Nakatulog si Vennie sa pakikipaglaro nito kay Marri. Maingat niya itong binuhat at dinala aa kwarto nito at marahan na inihiga sa kamay. Hinubad niya ang sapatos nito at pagkakuway ay kinumutan niya ito. Hinaplos niya ang buhok nito at mahinang nagbuntong hininga. "I love you, son." he murmured as he kissed him in his temple. Saglit niya muling inayos ang kumot nito bago siya maingat na lumabas sa kwarto ng anak. Bago siya pumunta sa kwarto nila ni Rafael ay kumuha muna siya ng maligamgam na tubig at bimpo sa kusina para punasan ang asawa niya. Marahan niyang tinulak pabukas ang pinto ng kwarto nila ni Rafael. Nangunot ang noo niya nang mabungaran niyang patay ang ilaw. Inilapag niya sa counter table a