ANG MALAKAS na hagikhik ng kambal ang pumuno sa garden ng mansion. Tuwing umaga siya ang naglalabas sa mga kambal para paarawan ang mga ito. Anim na buwan na ang nakalilipas, pero parang kahapon lang nang mailabas ang mga ito. Parang kailan lang, pero mabilis na lumalaki ang nga kambal at habang lumilipas ang mga araw ay nakikita na ni Vance kung kanino nagmana ang nga ito. Si Vaniel lumalaking kamukha niya. Pero ang ugali nito ay katulad ng ugali ni Rafael, seryoso at mahirap patawanin. Kabaliktaran naman ni Rafaela, lagi itong nakangiti at palatawa. Itinaas niya si Rafaela sa ere na buhat-buhat niya at malakas naman itong humagikhik. Malakas siyang tumawa nang malakas itong tumili. "You like that huh?" muli lang itong tumawa. "Dada!" Nabaling ang tingin niya kay Vennie. He quickly