PAGKATAPOS maipanganak ni Rafael ang kambal ay muli itong nag seizure at sa awa ng may kapal ay muling naialis ni Karrim sa kamatayan si Rafael. Everyday his body becomes weaker. His body refuses to fight, but his heart is still beating slow. Too slow and not enough to supply blood on his whole body that he needs a life support machine just to sustain or help his heart. Araw-araw nakikipag laban si Rafael kay kamatayan hindi alam kung hanggang saan pa ang itatagal ng buhay nito, kaya hanggat maaari hindi umaalis si Vance sa tabi ng asawa dahil natatakot siya na baka sa pagtalikod niya ay tuluyan na siyang iwan ni Rafael. Sa mga ilang araw pa na lumipas ay halos minuminuto kung sabihin ni Vance sa asawa kung gaano niya ito kamahal na para bang halos araw-araw din siyang namamaalam dito.