NANG PUMATAK ang hating gabi ay palihim na pumuslit sa pack house si Rafael. Pupuntahan niya kung nasaan si Vance ngayon. Aalamin niya kung nasaan ito. By hook or by crook. Nalaman kasi ni Rafael mula sa paguusap ng beta at deltas na hawak na ng mga hunter si Vance. Ipinalit nito ang sarili alang-alang sa anak. Isa na naman 'yun sa inkinasama ng loob niya dahil nagplano na naman ito ng hindi sinasabi sa kanya at naging padalos-dalos na naman ito. Marahan siyang dumaan sa likod ng pack house at doon nabungaran niya ang isang delta na nakatalagang magbantay doon. Inilabas niya ang dagger mula sa likod ng suot niyang leather pants. Walang ingay na pumuwesto siya sa likod nito at mabilis na lumabas sa dilim at agad na inamba ang patalim sa leeg nito. "One wrong move and you are dead!" mari