INIHINTO ni Vance ang sasakyan niya hindi kalayuan sa abandonadong pabrica. Pinatay niya ang makina at bumaba ng sasakyan. Nilibot niya ng tingin ang paligid at tiningala ang gusali. Hindi niya akalain na may ganito pala sa Tierra De Lobo. Ito kasi ang lugar na ibinigay sa kanya ni Macarov kung saan sila magkikita. Base sa naaamoy niyang masangsang ay natitiyak niyang kuta ito ng mga hunter. Pero ang nakakapagtaka lang, bakit hindi nila alam ang lugar na ito? Ganito na lang ba kakampante ang mga elders na naka assign sa teritoryong ito kaya agad silang napapasukan ng mga trespasser. Hinagis niya ang cellphone sa loob ng sasakyan bago niya 'yun sinara. Nagpakawala muna siya ng buntong-hininga bago humakbang papasok sa loob ng madilim na gusali. Pagkapasok ko sa loob ay awtomatikong bumu