MAGKAHAWAK kamay sila Rafael at Vance na pumasok sa loob ng HQ. Buong paggalang siyang binati ng mga nasasakupan ni Vance. Kung dati dis-gusto ang ipinapakita ng mga ito sa kanya ngayon kaligayahan na para sa kanila ni Vance. Inalalayan siya ni Vance na maupo sa upuan. At pagkakuway ay inumpisahan na nito ang pagpupulong. "I want to end the problem about Leila and hunters. So, once Leila called me again and ask me to be with her, I would say yes. Yun na ang umpisa ng set up. Paniniwalain ko siya na sasama na ako sa kanya kasama si Vlad ang anak namin Rafael." Nanigas mula sa kinauupuan si Rafael pagkarinig sa sinabi ni Vance. Ang akala niya napag-usapan na nila na hindi ito makikipagkita kay Leila, pero ito pala ang planong nabuo nito. Hindi niya magawang kontrahin ang sinabi nito dahil