WALANG ingay na pumasok si Rafael sa kwarto nila ni Vance. Naabutan niyang abala pa rin si Vance sa pakikipag-usap mula sa kabilang linya. Hindi talaga ito humihinto sa paghahanap kay Leila. Tuwing gabi, nauuna siyang matulog, pero tuwing magigising siya ay abala pa rin ito hindi lang sa trabaho kundi pati na rin sa pakikipag-usap nito kila Karrim at sa iba pa nilang ka-alyansa. Nagbuga ng hangin si Rafael na inilapag ng tray ng pagkain sa lamesa kuway humkbang palapit sa asawa. Walang salitang inagaw niya ang cellphone mula rito at pinatay 'yun. Kunot ang noong nagtaas sa kanya ng tingin ang asawa. "Cariño." "Masaya ako na ginagawa mo ng lahat na mahanap mo si Leila para sa kaligtasan namin, pero hindi ako papayag na pabayaan mo ang sarili mo, Vance." aniya na inilapag ang cellphone s