MABIGAT ang pakiramdam ni Vance nang umuwi sa pack house. Ngayon pa lang ramdam na niya ang bigat ng magiging tadhana ng mga anak niya. Ang masakit, alam na ni Vennie ang lahat tungkol doon. Naabutan niya si Rafael na nasa kusina na abalang nagluluto. Nilingon siya nito at matamis na nginitian. Para hindi nito makita ang bigat na dinadala niya ay sapilitang ngiti ang binigay niya sa asawa. "Mahal ko, I cooked your favorite dish. Eksakto lang ang dating mo, kaluluto lang nito. Come here, kain ka na." anito na naghain na. May kasambahay sila, pero mas gusto nito na siya ang nagluluto ng mga kakainin niya. Naupo siya sa pwesto niya at ito naman sa katabi ng kanyang inuupuan. "Si Ven?" tanong niya. "Nasa kwarto niya. Pinatawag ko na siya sa yaya niya, pero ayaw daw lumabas. Doon na lang d