HINDI maiwasan ni Vance na isipin kung ano ang sinabi ni Vennie sa kanya noong nakaraang gabi. Alam niyang bampira ito kaya hindi na siya nagulat pa nang makita niya ang pagbabago nang kulay ng mga mata nito. Ang hindi lang niya lubos na maintindihan ay ang mga sinabi nito. Marahil may nakita ito na hindi nito sinasabi sa kanya. Pero kung meron man, bakit hindi nito makuhang sabihin sa kanya? Nasa malalim siyang pag-iisip nang kumatok si Garth sa opisina niya. Kasalukuyan kasi siyang nasa head quarter at hindi hinihintuan ang paghahanap sa babaeng nagpakita kay Rafael. Kung ito man ang ina nito 'yun ang kailangan niyang alamin. "Alpha, nahanap na ho namin ang kuta nila." anito na nagpaangat sa tingin niya rito. "Sigurado ka ba? "Oho, Alpha." mabilis nitong sagot. "Kung ganun, tara n