"WHERE is he?" iritableng tanong ni Rafael kay Karrim mula sa kabilang linya. Noong isang araw pa niya tinatanong dito si Vance, pero ang palagi lang nitong sagot ay nasa paligid lang at nagmamasid.
"I need to talk to him." aniya na pilit pinapahinahon ang sarili.
I need his strength for my baby... aniya sa kanyang sarili.
"He don't want to talk to you, Rafael. I'm sorry." anito na ikinakagat niya sa labi.
Bago niya pa napansin ay pumatak na ang mga luha niya. Dali niyang pinutol ang linya bago pa man nito marinig ang pagsinghot niya. Inis na nilapag niya ang cellphone sa office table niya. Naiinis siya sa lahat, pero higit siyang naiinis sa sarili dahil naiiyak siya ng ganito.
Wala siyang dapat na iiyak. Kung ayaw siyang kausapin o harapin ni Vance, edi wag! Hindi niya ipipilit ang sarili rito.
Natutop niya ang bibig at daling tumakbo sa banyo at agad na tumapat sa lababo at doon nagdududuwal.
Nasapo niya ang tiyan at tsaka parang batang nag-iiiyak. Ilang araw na siyang ganito. Akala niya tuwing umaga lang siya aatakin ng pang-aasim ng sikmura, pero kahit sa gabi ay hindi siya pinapatulog.
Hapong naglakad pabalik sa swivel chair si Rafael at pabagsak na naupo. Kinuha niya ang vitamins sa drawer at ang basong tubig na nasa gilid ng lamesa niya tsaka 'yun ininom. Kahit yata araw-araw siyang uminom ng vitamins niya wala pa rin 'yun saysay. Kulang na kulang ang naibibigay ni'yun.
Pagod na ipinahinga niya ang likuran sa backrest ng swivel chair tsaka marahan na ipinikit ang mga mata. Wala siyang gustong gawin maghapon kundi ang matulog at magpahinga. Pero kahit gustohin man niya ay hindi pwede dahil marami siyang dapat na haraping trabaho, isa na doon ang Levantandose airline. Dito na nga lang siya sa mansion nag-oopisina dahil tulad ng sinabi ni Dr. Velasquez ay bawal siya magpagod.
Katok sa pinto ang nagpamulat ng mga mata niya.
"Come in." aniya na umayos ng upo.
Iniluwa ng pinto ang bago niyang secretary na si Sue. Kanina pa niya ito inaantay.
"Buenas dias, sir." buong tamis siya nitong nginitian.
Napatingin siya sa dibdib nitong halos luwa na sa pagkalantad. Napapansin din niya noong una pa lang ay inaakit siya nito at panay ang pa-cute nito sa kanya. Rafael rolled his eye. Kung alam lang nito kung ano siya at kung ano ang kalagayan niya ngayon tiyak magtatatakbo na ito sa sobrang takot.
"What is my schedule for today?" tanong niya na sa monitor ng laptop niya itinuon ang mga mata.
"You have lunch meeting with mr. Serano in Delisioso Restaurant. Meeting with Mr. Francisco and Mr. Zapanta in Luxury Garden at 2pm in the afternoon. A book signing event in CCPP at 4pm in the afternoon till 6pm in the evening."
Pagod na nagbuga siya ng hangin. Ayaw man niyang pumunta sa mga meeting at event ay hindi pwede.
Sinipat niya ang pang bisig na relo. Alas-onse na ng umaga. "Okay be ready in thirty minutes." walang ganang sabi niya rito.
"Eye! Sir." anito na humakbang na palabas ng opisina niya.
Muli ay pagod niyang ipinahinga ang likod sa backrest ng swivel chair at tsaka kinuha ang cellphone niya para tawagan si Uno. Isa raw sa mga kamay ni Vance.
"Sir?" bungad nito.
"I just let you know, I have a meeting to attend."
Sandaling tumahimik ang kabilang linya na ikinakunot ng noo niya.
"Hello?" untag niya sa kabilang linya.
"Umh... Sir, lord dos said… you can't go out." anito na lalong ikinakunot ng noo niya.
"At bakit?" agad na nag-init ang ulo niya.
"Basta raw po." mahinang sagot nito.
"Basta? Look, I'm a business man and a writer at the same time. That means I'm a busy person. Hindi pwede 'yung papetik-petik lang. Kung ayaw niyang gawin ang trabaho niya, he's fired!" singhal niya bago pinutol ang linya.
Bwisit talaga! Ang sabihin niya busy lang ang talipandas na 'yun sa kabet niya!
Kabet? Where that came from? Baka nakakalimutan mo, Rafael na nakipaghiwalay ka na sa kanya remember? Ani ng isang bahagi ng utak niya.
Estúpido!
Makalipas ang tatlong minuto ay tumayo na siya para umalis. Bitbit ang mga gamit niya na lumabas na siya ng opisina.
"Basta? Look, I'm a business man and a writer at the same time. That's mean I'm a busy person. Hindi pwede 'yung papetik-petik lang. Kung ayaw niyang gawin ang trabaho niya, he's fired!" halos malayo ni Uno ang cellphone sa tainga nito dahil sa lakas ng boses ni Rafael.
"You heard that, lord dos?" ngiwing tanong ni Uno.
"Loud and clear." aniya na ibinuga ang usok na nasa bibig niya.
"Nagkaroon ka nga naman ng ex-husband na high blood at mabunganga." si Ishan. Kinuha nito mula sa bibig niya ang sigarilyo at tsaka ito humithit.
Wala siyang binigay na kumento sa sinabi ni Ishan kahit pa may pakatotoo 'yun. Rafael is a bit loud, pero wala siyang naging problema sa ugali nito kahit pa ina-under siya siya paminsan minsan—okay palagi.
He loves Rafael so much, kaya noong mga panahong halos sukuan na nito ng mundo pati siya ay pinili pa rin niya ang manatili at intindihin ito. Alam kasi niya na wala ng mas sasakit sa isang magulang na nawalan ng anak, lalo pa't ito ang nagdala sa anak nila ng siyam na buwan. Kung pwede nga lang na akuhin niya amg lahat ng sakit na nararamdaman nito noon ginawa na niya. Pinapakita na lang niya na baliwala sa kanya ang lahat ng sakit para maging lakas nito, pero ang totoo malapit na rin siyang bumigay.
Sa tuwing hinihiling ni Rafael na angkinin niya ito, alam niya para lang ito makalimot sa panandliang sakit. But he never lose hope, na sana paggising ng asawa niya ay maging masigla na ito at muli itong bumalik sa dati. Pero hindi 'yun ang nangyari... pagkagising na lang niya kinaumagahan ay wala na ito.
Para siyang baliw ng araw na 'yun dahil kung saan-saan niya ito hinanap at nalaman na lang niya na bumalik na ito sa spain. Masakit sa part niya na umalis ito ng walang paalam, pero ang higit na pumunit sa puso niya ang araw na nakikipaghiwalay na ito sa kanya.
Naiintindihan niya kung saan nangagaling ang galit nito. Alam din niyang natatakot na itong mag commit sa kanya dahil sa mga pinagdaanan nito ng dahil sa kanya.
He want to get mad of him, but Vennie told me not to. Sinabi nito na nadadala lang si Rafael ng emosyon nito at nasisigurado ni Vennie na hindi nito ginusto ang ginagawa, na mahal pa rin siya nito. Gusto niya 'yun paniwalaan, pero paano? Kung hanggang ngayon tinutulak siya nito palayo. Ginagawa na lang niya ang bagay na ito para sa anak niya.
"Ano ba ang nagustohan mo sa kanya? He's just a nerd guy." si Ishan.
"Kailangan ba may dahilan kapag nagmahal ka?" kunot noong balik tanong niya.
"Tinutulak ka na niya palayo, that means he don't love you anymore. Nagmumukha ka na lang tanga nakakahabol sa kanya. Just forget him and leave him alone." sabi pa nito.
"My half of life is in him." maikli niyang tugon na ang mga mata ay nasa mansion ni Rafael hindi kalayuan sa pinagpupwestuhan ng sasakyan niya.
"So what?"
Nilingon niya ito. "I love him. I still do. Nothing's change and we still have the bond that still connect us."
Umarko ang isang kilay nito. "Ang tanong mahal ka ba?"
Sasagutin pa niya sana ito nang kalabitin siya ni Uno mula sa likuran. "'Yung kotse ni Mr. Naisell!" anito na tinuro ang Porsche ni Rafael na lumabas mula sa tarangkahan.
"It's Fuentebella. Isa pang Naisell mo, dudugo na 'yang bunganga mo!" aniya na binuhay ang makina ng sasakyan at minaniobra 'yun pasunod sa papalayong sasakyan.
Sa trenta minutos na pagsunod niya sasakyan ay hindi maiwasang mapakunot siya ng noo. "Uno." tawag niya rito.
"Lord dos?"
"Nasabi ba niya kung saang meeting siya pupunta?"
"Hindi ho." mabilis nitong sagot.
Masama ang kutob niya. Alam niya kung saan papunta ang sasakyan nito. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan para unahan ang sasakyan ni Rafael. Nang maharangan niya ang sasakyan nito sa daan ay bumaba siya at kinatok ang bintana ng driver seat. Nang silipin niya ang loob ay hindi niya nakita si Rafael.
Galit na kinuwelyuhan niya ang driver. "Where the hell is he?"
"H-he rode is in his another car, sir." natatakot.
"f**k!" malakas niyang mura at pagkatapos ay hinila niya ito palabas ng sasakyan ni Rafael.
"Mag-hiwalay tayo! Hanapin niyo siya!" sigaw niya kay Uno. Pero lumipat si Ishan sa kotse ni Rafael at hindi na niya 'yun binigyan ng pansin. Mabilis na lang niyang pinatakbo ang sasakyan pabalik sa dinaanan nila, alam niyang hindi pa ito nakakalayo.
"Dos!" tawag niya mula sa earpiece.
"Lord dos."
"Track him!" utos niya.
Napasuntok siya sa manubela sa galit. Hindi alam ni Rafael kung anong maaaring maging epekto ng ginawa nito.
"Relax. We'll find him." si Ishan.
Hindi ito ng tamang panahon para magrelax. Dahil kung tama man ang imbestigasyon nila na si Laila ang nagbabanta sa buhay ni Rafael, hindi ito magiging ligtas. Makahanap lang ito ng pagkakataon na masaktan nito si Rafael, tiyak hindi ito magdadalawang isip na gawin ang binabalak nito.
Fuck! Rafael where are you?!
"I found him." si Dos mula sa kabilang linya.
"Where?"
"In Delisioso Restaurant. Papunta na rin ako doon at nasabihan ko na rin si Uno."
"Good. Don't lose your track on him." aniya na bahagyang nakahinga ng maluwag.
Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo sasasakyan na halos paliparin na niya ito. Wala pang trenta minutos ay marating na nila ang nasabing restaurant. Bumaba siya sasasakyan at padabog na sinara ang pinto. Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa loob ng restaurant at wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga customer na nadoon.
Agad niyang hinanap ang kinauupuan ni Rafael at agad niya itong nakita sa may VIP erea.
"Excuse me, are you with Mr. Naisell?" pigil sa kanya ng isa sa mga crew ng restaurant.
"I'm his husband." mariin niyang sagot na nilagpasan ito at huminto sa gilid ni Rafael.
"Why the hell did you do that?"
Natigilan sa pag-uusap ang dalawa sa biglang pagsingit niya. Kunot ang noong tinaasan siya ng tingin ni Rafael. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya ngayon.
"WHY the hell di you do that?!" muling tanong ni Vance. Ang boses nito ay dumagundong sa buong palapag ng Delisioso Restaurant.
Kitang kita sa mukha nito ng galit dahil sa ginawa niya. Buti nga sa kanya. Edi ito ngayon ang lumapit sa kanya. Pilit niya itong nginitian.
"Mamaya na tayo mag-usap." aniya rito na muling hinarap si Mr. Serano.
"I f*****g want it now." tiim ang bagang nasabi nito.
Inis na muli niya ito tiningala. "Hindi mo ba nakikita, may kameeting ako?"
"I don't f*****g care." tumalim ang mga mata nito.
"Pwes, wala din akong pakialam sayo! Get los—" isang malakas na pagsabog ang nagpatigil sa iba pa niyang sasabihin.
"s**t!" narinig niyang sigaw ni Vance.
Kasunod ni'yun ay sunod-sunod na pinaulanan ng ang buong paligid ng restaurant. Mabilis siyang kinabig payuko ni Vance para takpan siya nito.
Napapasigaw siya sa sobrang takot. Nabibingi na rin siya sa sunod-sunod na pagputok. Kahit na takpan niya ang magkabilang tainga niya ay nabibingi siya.
"Vance!" isang lalaki ang lumapit sa kinaroroonan namin.
"Ishan, itakas mo siya rito!" utos ni Vance rito.
Ishan? ito 'yung kasama ni Vance noong nakaraang gabi? Pero hindi ito ang tamang oras para sa selos niya!
"Magkita na lang tayo sa mansion. Please be safe!" anito na inalalayan siya sa likod ng restaurant para doon sila dumaan."
Sa maliit na eskinita sila dumaan hanggang sa dalhin siya nito sa itim niyng Porsche. Hindi na siya nagtanong kung paano nito iyon nakuha. Walang pumapasok na kahit ano sa utak niya, basta ng alam niya ay takot na takot siya.
Hindi na rin niya namalayan na nakarating na pala sila sa mansion. Bumaba siya at nangingiyak na humakbang papasok sa loob.
"WHERE is he?" tanong ni Vance kay Ishan pagkaratinging niya sa mansion ni Rafael.
"Nasa sala." sagot nito.
Malalaki amg hakbang na pinuntahan niya ito. Naabutan niya itong naka upo habang walang patid sa pag-iyak.
"Kanina ko ho siya pinapatahan sa pagkacry, bu he won't stop." salubong sa kanya ni Presila.
Tinanguan niya ito. "Ako na ang bahala. Salamat." nagbuga siya ng hangin at muling hu. Akbang palapit dito.
Gusto niya itong bulyawan dahil maling-mali ang ginawa nito. Pero agad na nawawala ang galit niya sa tuwing nakikita niya itong umiiyak. Hindi niya talaga gustong makita itong umiiyak.
Lumuhod siya sa harapan nito at hinawakan ang nanginginig nitong kamay.
"Hey, may masakit ba sa'yo? Tell me." marahan itong umiling.
"Si baby, ayos lang ba siya?" muling tanong niya na ikinatango nito.
"Thanks god. Don't do that again, please." aniya na kinintalan ng halik ang kamay nito.
Natakot siya kanina na baka masaktan ito. Hindi siya natatakot sa tuwing sumasabak siya sa mission, pero pagdating talaga kay Rafael nababalikuan siya ng mga tuhod. Rafael is his strength, pero ito rin ang kahinaan niya. Aminado siya roon.
"Lord Dos." tawag pansin sa kanya ni Uno.
Tumayo siya para harapin ito. "May nakuha ka bang lead, kung sino ang may kagagawan ni'yun?"
"Meron ho. Compirmado ho na si Leila ang may kagagawan ni'yun. Nahagip din siya sa CCTV sa labas ng restaurant."
Nakuyom niya ng kamao. "Sino ang tumutulong sa kanya?"
Ipinakita nito sa kanya ang nakunan nitong litrato. "Yung sniper na napatay ko, meron siyang tattoo sa braso niya at katulad ito nung tattoo na nasa dibdib ng isa sa miyembro ng Gods of war kaya nasisiguro ko na kasapi nito ito."
Napakunot siya ng noo. "Paanong naging kakampi ni Leila ang Secret Society?"
"'Yan pa ho ang aalamin namin. Napagbigay alam ko na rin kay Lord Karrim ang tungkol dito..."
"Okay maraming salamat—"
"I knew it!" sigaw ni Rafael. Nilingon niya ito.
"I made the right decision to leave you!" dinuro siya nito. "Dahil mula ng makilala kita nagkanda peste-peste na ang buhay ko!"
Humugot siya ng hangin. "Rafael, you need to rest, please."
"No!" naiiyak na umiling-iling ito. "Tumahimik na ang buhay ko, Vance. Muli ka lang nagpakita at lumapit sa'kin muli na namang gumulo ang buhay ko!"
"Rafael..." akmang hahawakan niya ito ay humakbang ito palayo.
"Mula nang minahal kita gumulo na ang buhay ko! Dahil sa pesteng pagmamahal na 'yun namatay ang papa. Dahil sa pagmamahal na 'yun nawala sa'kin ang anak ko! Dahil sa'yo! Dahil sa'yo!" pinagsusuntok nito ang dibdib niya at hinahayaan lang niya ito.
"Tapos ano gugustohin na naman niyang mawala sa'kin itong baby ko at dahil na naman 'yun sayo!"
Hinuli niya ang mga kamay nito. "Enough, magpahinga ka na." aniya na pilit itong pinapahinahon.
Galit na binawi ni Rafael ang kamay nito sa pagkakahawak niya at dinuro-duro siya nito. "You ruined my life, Vance. You ruined everything! I hate you! I hate you!"
"I said enough!" ang pagtitimpi ni Vance ay tuluyan ng sumabog.
"Do you f*****g think na wala lang sa'kin ang lahat? Do you f*****g think na baliwala lang sa'kin ang mga nangyari? And do you f*****g think na hindi ako nagluluksa sa pagkawala ng anak natin? Pinilit kong maging matatag dahil kung pareho tayong manghihina wala nang hihila sa atin para makabawi. Ginawa ko ang lahat para isalba ang relasyon natin. Pero ano ang ginawa mo? You give up on us! You chose to leave me, hinayaan mo akong harapin mag-isa ang lahat!" ang lahat ng sama ng loob niya ay sumabog na.
"I still remember the day that I beg you to stay. The night that you left me without saying anything. Para akong tanga na hinanap ka kung saan-saan, kahit alam kong hindi ka na babalik hinihintay pa rin kita gabi-gabi. I still remember the day that I cried so many times and can't sleep at night, kasi ang isip ko nasa'yo. Iniisip ko kung kumusta ka? Kung kumakain ka ba sa tamang oras o baka nagpapalipas ka ng gutom. Habang ako miserable ikaw naman unti-unti mo nang naaayos ang buhay mo. Pero wala kang narinig ni isang sumbat sa'kin dahil mahal kita! Hanggang ngayon, Rafael. Hanggang ngayon mahal pa rin kita!" He cried.
"Ngayon sabihin mo sa'kin, nagkulang ba ako? Oo, aminado ako na dahil sa'kin kung bakit ito nangyayari sa'yo. Pero hindi mo kailangan idikdik sa kokote ko kung paano ko sinira ang buhay mo!" tinuyo niya ang pisngi.
"You want me out of your life? Ibibigay ko 'yun sa'yo. You are free now, because I had enough. I'm tired chasing you and win you back, Rafael."
Kinuyom niya ang kamao. Kahit masakit sa kanya ito ay kailangan na niyang sabihin. Para rito. Para sa kanilang dalawa.
"Reject me now, Cariño."