"You said, you need a bodyguard so, I give you one." painosenteng sabi Karrim mula sa monitor ng laptop niya. Agad niya kasi itong vinidio call pagkauwi niya para komprontahin ito.
"Yes, I told you I need one! Pero bakit si Vance ang ibinigay mo sa'kin?!"
"Ginusto niya." maikling sabi nito na ikinainit lalo ng ulo niya.
"Relax, trabaho lang 'yan and believe me or not, Vance don't mess with his client." kalmado pa ring sabi nito.
Mariin siyang pumikit at hinilot ang sentido. "Give me a new one." aniya.
"I can't." anito na ikinadilat ng mga mata niya. "Wala na akong available na tauhan para dyan."
"Then do something! Kahit sino huwag lang siya!" he snapped.
"Higit sa lahat siya ang pwede mong pagkatiwalaan." anito na hindi sinangayunan ng sarili niya.
Hindi lang kay Vance siya walang tiwala kundi pati sa sarili niya.
"Don't worry, hindi mo siya makikita. Pwera na lang kung talagang kailangan kang lapitan." maya'y sabi nito.
Umarko ang isa niyang kilay. "What do you mean?"
"Simula ngayon, sa malayo ka na lang niya babantayan."
Inismiran niya ito. "I don't care. Basta huwag na huwag siyang lalapit sa'kin!"
Nakakaloko itong natawa. "By the way, congratulations."
Nangunot noo niya. "For what?"
"Sa career mo at sa new baby ninyo ni Vance."
Saglit siyang natigilan. Ang walang hiya, nasabi agad ng damuhong 'yun kay Karrim ang tungkol sa pinagbubuntis niya.
"S–salamat."
Sumiryoso ang mukha ni Karrim. "I know it's hard for you to be woth him again. But just trust him, Rafael. Hindi niya hahayaang muling mawala sa'yo ang anak ninyo."
"Karrim..."
"Believe me. Sa ilang buwan na nagtrabaho si Vance sa Iron wolf, masasabi kong ibang-iba na siya."
Alam niya 'yun at nakita niya nang magkaharap sila sa hospital. Ibang-iba na ang awra nito at ang bawat tingin na binibigay nito sa kanya.
"Salamat." tanging nasabi niya bago pinutol ang linya.
Isinandal niya ang likuran sa backrest ng swivel chair at pagod na nagbuntong-hininga. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mapagpanggap niyang damdamin.
Napatingin siya sa labas ng bintana nang biglang kumulog at kumidlat. Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana at maingat na sumilip sa labas. Nakita niya ang itim na sasakyan ni Vance. Naka sandal ito sa sasakyan nito habang humihithit ito sa sigarilyo nito.
Napakunot noo siya. Kailan pa ito natutong manigarilyo? Napansin din niya na bahagyang nag mature ang itsura nito dahil sa bahagyang paghaba ng bigote at balbas nito. Pero para kay Rafael, he still looks so handsome. Napansin din niya na nadagdagan ang laki ng pangangatawan nito na para bang kaysarap makulong sa mga bisig nito.
Pinamulahan siya ng mukha at mabilis na inalis ang tingin sa labas ng bintana. What the hell he's thinking right now?! Hindi pa man din nagtatagal bumibigay na siya. Umalis siya doon at minabuti nang mahiga sa kama at matulog.
Pero ilang minuto nang nakapikit ang mga mata niya ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Natigilan siya at napabalikwas ng upo nang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis siyang umalis sa ibabaw ng kama at tumakbo papunta sa bintana. Vance car was still there and he saw Vance sleeping inside in his Lamborghini.
Nakahinga siya ng maluwag, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalala rito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sinuway ang sarili.
"Hindi pwedeng marupok ka, Rafael! Ito ang ginusto mo diba ang maging malaya? So panindigan mo!" aniya sa sarili.
Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kwarto. "Masaya ka ng wala siya sa buhay mo..." napahinto siya. Masaya nga ba siya?
Oo, nagawa niya ang mga gusto niya at natupad na rin ang pinangarap niyang makilala at maging tanyag na manunulat, pero masaya nga ba siya? Naupo siya sa gilid ng kama at tinawagan si Presila mula sa radio.
"I can't sleep. Bring me milk." utos niya rito.
Hindi nagtagal at dumating na ito bitbit ang gatas niya at inilapag nito 'yun sa nightstand niya.
"Gracias." aniya.
Nag-angat siya ng tingin dito nang hindi pa ito lumalabas ng kwarto niya. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang hindi si Presila ang kaharap niya ngayon.
H–hindi ito maaari...
"L–Leila..."
"Noooo!" pabalikwas na bumangon si Rafael habang habol ang kanyang hininga. Agad niyang hinawakan ang impis pa niyang tiyan at nakahinga siya ng maayos nang mapagtantong panahinip lang 'yun.
Pero bakit ganun ang panaginip niya? Leila is dead. Her sister is dead. She can't harm him. Not anymore. Nag inhale-exhale siya at paulit-ulit niya 'yung ginawa hanggang sa kumalma siya.
Napabaling siya ng tingin sa labas ng bintana nang kumulog at kumidlat habang malakas ang buhos ng ulan. Umalis siya sa ibabaw ng kama at humakbang palapit doon. Lihim siyang sumilip sa labas kung nandoon pa ba si Vance, pero ganun na lang ang panlulumo niya nang wala na doon ang sasakyan nito.
Nagbuntong-hininga siya at bumalik sa kama at muling nahiga. Kahit hirap ulit sa pagtulog ay pinilit niya ang sarili na muling dalawin ng antok.
MABILIS na bumangon si Rafael at patakbong pumasok sa banyo pagkakuway ay nagdududuwal siya sa lababo.
Napahawak siya sa sikmura at pagod na tinukod ang mga kamay sa gilid ng lababo. Hingal na tinitigan niya ang sarili sa reflection ng salamin. Namumutla siya at nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.
Nanghihinang humakbang siya pabalik sa kama at kinuha ang radio para utusan si Presila. "Call Dr. Velasquez." utos niya.
Alam na ni Presila ang lahat ng mga nangyari sa kanya sa nakalipas na taon. Ang pagkakakilala niya kay Vance. Ang pagturn niya bilang isang lobo. Ang pagtira niya sa Tierra De Lobo. Ang dahilan ng pagkamatay ng ama niya. Ang pagbubuntis niya at ang pagkamatay ng anak niya. Alam na rin nito ang tungkol kay Vance at ang mga nangyari sa kanila. Noon una hindi ito makapaniwala o sa tamang salita gumagawa lang siya ng kwento. Kaya ipinakita niya rito ang anyo ng isang lobo na kailan lang niya natutunang gawin.
Katok sa pintuan ang nagpabalik sa lumilipad niyang isipan.
"Come in." aniya. Bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Dr. Velasquez.
"Buenas dias, Mr. Naisell." bati nito sa kanya. "May masakit ba sa'yo?" agad nitong tanong. Naupo ito sa upuang nasa gilid ng kama niya. May suot suot pa rin itong kalahating puting maskara sa kalahating mukha nito na nadamage ng sunog. _
Marahan siyang umiling. "Why I feel weak? I mean, I never felt this before," pag-uumpisa niya. "and feel drained." sabi pa niya.
Kunuha nito ang kanang kamay niya pagkakuway ay kinuhaan siya nito ng pulso. "Kailan ka nagsimulang makaramdam ng ganyan?"
"Just awhile ago. Bumaliktad ang sikmura ko and I vomited."
Tumango-tango ito. "You experience a morning sickness and it's normal in your condition." anito na inilabas ng stethoscope mula sa bag.
Inutusan siya nitong itaas ang laylayan ng tshirt niya na agad niyang ginawa. Ipinatong nito ang malamig na metal sa impis pa niyang tiyan.
"Your baby's heartbeat is a bit weak."
Napakunot noo siya. "Is that bad?"
"Yes. He need strength from your baby's father to make your baby's heartbeat stronger."
Natigilan siya. "From my baby's father?"
"Yes." mabilis nitong sagot.
"H-hindi pwede sa iba?"
"Pwede naman, pero mostly mas helpful sa baby ang energy na nagmumula sa ama niya."
Natahimik siya. Kailangan ng anak niya ang energy ni Vance? P-paano niya gagawin 'yun?
"Umh, doc wala bang ibang option?"
"Kung gugustohin mo ulit na manirahan sa hospital, maaari naman." tipid itong ngumiti. "Reresetahan kita ng mga vitamins mo."
Lihim niya itong inismiran. Hindi niya alam kung nang-iinis ba ito o sadyang nasa pagkatao na nito ang ganung ugali.
"For now, you should rest. Iwasan mo muna ang stress at trabaho." tumayo na ito at binitbit ang itim na bag na dala-dala nito.
"Tawagan mo lang ulit ako kapag may naramdaman kang hindi maganda. I have to go." anito na humakbang na palabas.
Ilang minuto pa niyang tinitigan ang pintong nilabasan ni Dr. Velazquez bago ipinikit ang mga mata. Anong dapat niyang pairalin, pride ba o ang pagiging isang magulang? Kung paiiralin niya ang pride niya maaari namang maapektuhan ang anak niya. Pero kung paiiralin niya ang pagiging magulang niya it means hahayaan niyang muling nakalapit sa kanya si Vance.
Parang kinain lang niya ang salitang sinabi niya rito na hindi niya ito kailangan. Pero kung hindi naman niya hihingiin ang tulong nito, anak niya ang malalagay sa alanganin. Sa ilang minutong nakikipagtalo siya sa sarili ay mas nanaig ang pagiging magulang niya.
Sinapi niya ang impis niyang tiyan. "I'll do everything for you, baby." he murmured as he pick ups his cellphone and he contacted Karrim's number.
"Rafael, hello!" mataas na boses nitong tugon.
"Bumalik na ba dyan si Vance?" sapo ang sentidong tanong niya.
"No, he's still there in spain."
"Can I get his number?"
"Sure. I'll send it to you." anito.
"Okay thanks." aniya na agad pinutol ang linya.
Hindi nagtagal ay tumunod ang message tone ng cellphone niya. Nang masave na niya ang number ni Vance ay agad niya itong tinawagan. Hindi rin naman nagtagal ay agad nito sinagot ang tawag niya. Pero ganun na lang ang pagtigil niya nang marinig ang boses mula sa kabilang linya.
"Hello?" pagmamay-ari 'yun ng ibang boses.
"Who's that Ishan?" boses 'yun ni Vance na halatang bagong gising.
Doon kumabog ang puso niya dahilan para mabilis niyang putulin ang linya. Hindi niya pansin ang mahigpit na pagkuyom ng kamao niya kasabay ng pagkabuhay ng kirot sa puso niya.
Does Vance has a new omega?