"Kung para lang sa akin gustong-gusto ko po siyang pigilan at 'wag malayo sa akin pero kung para sa mas ikabubuti niya, hahayaan ko po muna siyang gumawa ng desisyon para sa sarili niya." Pagkatapos kasi no'ng araw na may nangyari sa kanila ni Savannah ay agarang ipinagtapat ni Justin ang nararamdaman niya sa daddy nito at lingid sa kaalaman ng kahit sino ay hiningi pa niya ang kamay ng dalagita kahit masyado pang maaga at masyado pang bata ang nagugustuhan niya. "Pero marami siyang mga makikilala roon, Justin. Maraming magpaparamdam sa kanya, maaaring habang naroon ay mabaling ang atensyon niya't magkagusto siya sa iba..." No'ng hiningi niya ang kamay ng anak nito, bagama'y nagulat pero hindi naman ito nagpakita ng anumang pagtutol o pagkadisgusto. Hinamon lamang siya nito na hayaan mu

