"Ang totoo niyan, minsan kong namali si Chelsea." Kumunot ang noo nito. "Namali?" Ikinuwento niya rito kung paanong namali niya noon ng tingin si Chelsea sa relasyon nito kay Justin, walong taon na ang nakakalipas. "What! Kaya pala..." gulat na turan ni Justin. "Kaya pala no'ng binalikan kita noon sa kwarto ay wala ka na. 'Ni hindi mo rin sinasagot yung mga tawag ko o nagrereply man lang sa mga texts ko pagkatapos no'ng nangyari sa atin. Ang buong akala ko pa nga'y pinagsisihan mo iyon ng labis dahil iniwasan mo na ako't hindi pinansin." Umiling siya, puno ng pagsisisi. "Hindi ko pinagsisihan iyong namagitan sa atin. Ang pinagsisisihan ko ay iyong namali ko kayo ng pinsan mo." "Sabihin mo sa akin, 'yon din ba ang dahilan kung kaya't lumayo ka't nag-aral sa ibang bansa?" Tumango siya.

