Chapter eight
KAE’S POV’S
Nasa music class ako
With SPG
Yeah classmate ko sila
Nandito rin si Luna
Si Maggie
And …
And..
Ang seven Oracion Seis
Ow well , ngayon lang nakompleto ang klaseng to, at ngayon ko lang nalaman na classmate ko dito si Jairus, at ang iba pa niyang barkada, nandito rin yung dlawang bitches
Syempre mawawala ba ang seven dwarfs ni Luna the snow white? Syempre nandito rin, at ang powerpuff girls na sila Maggie, GHAD!!! BAT NANDITO KAYONG LAHAT!!!
At napapansin kong mukang hindi ako pinapansin nang SPG huhu why o why friendships?? May nagawa ba akong kasalanan sa inyong apat?? I think wala naman
At ang nakakabwiset pa, katabi ko si Jai, syempre nandito si Maggie the great stalker of Jairus! Hindi talaga ako makaconcentrate, dahil feeling ko ang mga eyeballs ng ibang babae na narito ay nakatingin sa akin
Dukutin ko yan eh
Yung katabi ko naman, hay, parang yung kapatid, nakaheadset at nakasandal sa upuan, hinila ko yung headset niya kaya nagising sya “makinig ka nga..”
“music class to diba?” then binalik niya yung nalaglag na earphone
Yeah yeah music class nga, hindi niyo ba nagets ang pinopoint out nang magaling na Campus King na si jairus?? Music class kaya pwede syang making nang music sa phone niya dyahe
Gusto ko nang matapos ang class na to, ang seven oracion seis nakikipagharutan sa girls, oh mean music class to hindi harutan class, jusme, syempre kasama na dun ang SPG
Si Jairus lang ang nahiwalay dahil tinabihan niya ako, yung anim na member nang 7OS ayun nasa likuran kasama ang SPG at ibang girls slave nila, hindi ko pa memorize ang name nila
But their face
Tandang tanda ko dahil sa kagwapuha nila haha pero mas gwapo parin tong katabi ko, but may pagkaistupido ang ugali niya, hay whatever, gusto ko anng matapos tong klaseng to.
4 minutes to go!! Hoho At nang matapos na ang klase ko, kaagad akong lumabas sa pinto.Naglalakad ako papuntang next class ko ,pero bago pa ako makarating sa kabilang building, hinarang na ako nila Cheska, Wendy, Erill at Irish
“ba-bakit?” halos ayaw nila akong padaanin
*GULP*
Para silang mga slaughterers!!! WAAAAHHH bat ganyan sila makatingin sa akin, huhu may nagawa ba ako? May kasalanan ba ako? Haruuu!! Wala akong alam na atraso sa kanila
“YOU Are..”- Wendy
“A Big..” –Irish
“Damn..”-Erill
“LIAR!!!”-Cheska
“te-teka, ano bang pinagsasabi niyo?”
“alam na namin ang lahat..”- Wendy
“ang alin?”
“bakit ka nagsinungaling sa amin..” – Cheska
“teka ano ba kase yun?”
“akala ko pa naman, kaibigan ang turing mo sa amin” –Erill
‘kaibigan ko naman kayo, teka nga, ano ba kase—“
“about Jairus..” oh I see
“bat di mo sinabi kaagad na nagpapanggap lang kayo” tinakpan ko yung bibig ni Cheska
“let me explain..”
Nagtinginan silang apat, na para bang, B1 you got my point? B2 you also got me? B3 gets mo ko? B4 lets do this.. malakas ang signal nang utak nila kaya nagkakaintindihan sila gamit ang tingin nila
“but before you explain, we need to chasten you HOHO!!” tumawa pa si Wendy , para tuloy syang sorceress nakakatakot
Nagpunta kaming dorm, okay ako na ang walang klase, ako na ang hindi pumasok sa last subject ko, ako na ang may parusa, ako na ang masama, ako na ang pinapalibutan nang apat na babae
Para akong preso as in, kailangan pa talaga akong hawakan sa magkabilang braso ko habang papuntang dorm? Pero bat ba kami pupunta dito?? err! Bahala na
Nasa tapat kami nang room ko “oh bihis na”
“san tayo pupunta?”
“sa bar”
“bar?? But—“
“aish! bihis na..” tinulak ako nila Cheska papasok sa loob
Okay, wala akong nagawa, pero habang patapos na akong magbihis pumasok kaagad sila Cheska at Wendy sa loob,”teka, anong?---”
“okay tara..” hinila na nila ako nang maisuot ko na ang heels ko
“wait yung—“ WAAAHHH yung gamit ko!! yung phone ko!! yung wallet ko!! yung bag ko!!!
Papunta na kaming 7th high bar ako na ang walang gamit,walang pera, treat daw ni Wendy kaya okay lang, fine fine mayaman naman siya kaya okay lang hindi na ako makakagastos
Nasa counter kami nang bar, ang daming boys, maingay, may mga super rated SPG din, sheeettt! Ayoko dito , binigyan ako nung bartender ng drinks “ okay, bat ka ba nagsinungaling?” Cheska is starting to interrogate me
“huh..??” di ko masyadong nagets
“SABI KO BAT DI MO SINABI KAAGAD SA AMIN NA NAGPAPANGGAP LANG KAYO NI JAIRUS!!!”
“AH YUN BA?? SABI NIYA ILIHIM NAMIN..” kami na ang nagsisigawan, pero teka? “ SAAN NIYO BA NALAMAN??”
“EDI SA ORACION SEIS”
“KUNG HINDI PA SINABI NILA HANCE HINDI NAMIN MALALAMAN”
“MAPAGKAKATIWALAAN NAMAN KAMI AH”
“SORRY..” natakot lang ako sa mangayyare saken kapag sinabi ko sa iba, baka katayin ako ng di oras ni Jairus, magkatapat pa amn din kami nang kwarto
Akala ko ba hindi namin sasabihin sa ibang tao? Bat alam nang mga kaibigan niya? Kung sabagay, kaibigan naman niya yun, eh how about me? Ako lang ang bawal? Sya pwede niyang sabihin sa iba?
Hindi naman galit tong apat, naggagalit galitan lang dahil nakakagala sila , medyo humina yung music kaya hindi na kami nagsisigawan “bat ba kayo nagpapanggap?”
“gusto niyang layuan sya ni Maggie, dahil kapag daw nalaman ni Maggie na may girlfriend sya, baka layuan na sya, ang kaso ako naman ang tinatarget ni Maggie, gusto ni Maggie magkalayo kami ni Jai..”
“oh mean girl so mean! Alam mo ba pinasok mo?”- Erill
“yeah I know, nandito na ako, so bahala na..”
“so? Hanggang kailan kayo magpapanggap?”- Cheska
“don’t know..” ininom ko ulit yung drinks ko
“eto lang ang maipapayo namin sayo Kae, wag na wag kang magkakagusto kay Jairus..” HOHO!! Nagpapatawa ba sila hoho natatawa ako “oh kahit isa sa mga lalake sa Arkon..”
“mga gangsters sila remember?” eh ano naman kung mga gangsters sila??
“basta lagi mong tatandaan ang motto nang mga girls nang Arkon..”
“motto? Anong motto?” confused
“Never fall in love to a gangster..” sabay sabay nilang sinabi
“yan ang motto nang mga babae sa Arkon” - Cheska
“coz a gangster, won’t love you back” dagdag ni Wendy
Naiintindihan ko na, lahat ba nang lalake sa Arkon ay ganun? kung sabagay, tingin nga nila sa mga babe slave eh. s*x lang ba talaga ang habol nila sa mga babae? Entertainer lang ba ang mga babae para sa kanila?
Imposible yun, dahil tao rin sila, kung anong kaya naming maramdaman , mararamdaman din nila yun, makapangyarihan ang mga laalke sa Arkon kumbaga sa aming mga babae, pero di yun sapata para sabihin nilang hindi sila marunong magmaha—
“aray ano b—“ sino ba to “Jairus?”
“are you cheating on me?”
“ha?”
“te-teka Jai, let me explain..” si Wendy sumingit
“bat ka nandito?” tanong ko
“bat ka nandito?” stupid bastad !binalik niya lang tanong ko “you didn’t answer my calls “UH OH! Sabi na eh
“wala phone ko dito..” I explained
Then he grab me, ow san kami pupunta?? Hawak hawak niya lang kamay ko marami na syang nadudumbo, maraming tao na ang nagrereklamo, bat ba sya aporadong lumabas?
Naiwan ang SPG sa counter huhu, sorry girls, may ugly terrifying being ang humila sa akin, no, hindi pala sya ugly, wahahaha you’re so mean Kae, Pero nasa pinto palang kami ng bar ,may sumalubong sa aming sampong lalake, at nasa unahan ang guitar hero hoho!! Skeletal system? Haha ano ba magandang tawag dito, bangkay??
“oh, Jairus, what a coincidence” sabi ni boy na malnourished
Nabigla na lang ako , when Jairus entwined his hand with my hand , HOMAYGHAD holding hand , mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya, WAAAHHH galit sya I think
Mahinahon lang syang dumaan sa gilid, ako naman nagtatago sa gilid ni Jai, nakakatakot kase silang sampo, para silang patay na muling nabuhay “hey hey, girlfriend mo?” napahinto kami, ako ba tinutukoy ni malnourished guy
Malamang
“HAHA! Katuwaan lang yan, sigurado bukas wala na kayo, sabihan mo lang ako kapag sawa ka na sa kanya, ako naman ang makikinabang sa—“
*BLAAGG!*
HOLO!! nakita ko na lang yung lalake na nasa sahig, nadumbo niya pa yung isang table na nasa likuran niya at may konting dugo sya labi “tsk..”dumura nang dugo si malnourished guy “ang gago mo!!” bigla niyang sinugod si Jai
WAAAAHHH nagaaway na sila, binitiwan ako ni Jai at tinulak sa likod niya, isa laban sa sampo, madaya kayo!!! Nagkakagulo na dito sa bar, marami nang nagsisitakbuhan, hindi ko makita ang SPG HELP PLEASE HELP!!!!
Bigla nanamang may humila nang buhok ko, SABING WAG ANG BUHOK KO!!!! “ARAY ANO BA!!” hinihila ako nung lalakeng kasama ni malnourished guy
“KAE!!” narinig ko si Jairus sumigaw napalingon naman ako sa kanya
“JAIRUS SA LIKOD MO!!” sigaw ko, pero huli na, may hawak na bote si malnourished guy at pinalo sa ulo ni Jai, natumba si Jairus sa table at sabay sabay nilang binugbog
Hinila nanaman nung kasama nung malnourished guy yung buhok ko “ARAAAAYYY!!!!” hindi ako umaray, kinagat ko yung braso niya at tumakbo papunta kay Jai
Pero pagpunta ko doon, sakto namang kumuha nang upuan si malnourished guy at ibabato kay Jai, pero wrong timing talaga, dahil—“hey Kae!! KAE!!”
Nakahiga ako sa dibdib ni Jairus, hawak niya ulo ko, naririnig ko pa sila kaso nahihirapan akong imulat mata ko, nararamdaman kong may tumutulo sa muka ko, umiiyak ba sya?
Pero hindi, hindi luha to, dahil sobrang dami nang agos, dahan dahan kong hinawakan kung ano ba tong basa sa ulo ko,kulay pula, nang makita ko kung ano yun, wala na akong naalala sa mga sumunod na nangyari.
******
“oo kasalanan na namin..”
“hindi naman namin alam na teretoryo pala nang kaaway niyo yun”
“dapat nagpaalam muna kayo sa amin, Master niyo kami..”
May naririnig akong nagaaway sa tabi ko, boses nila Wendy Cheska Erill ang naririnig ko, pero sino ba mga kaaway nila? Pagmulat ko nang mata ko, nasa kwarto ako, panay puti ang paligid “OH MY GOD KAE!!”
“gising na sya” sabi nung lalake
Teka, ang Oracion Seis nandito rin??? nandito ang anim na member nang seven Oracion seis, pero nasaan yung isa ”si Jairus?” bigla kong naalala
“nasa kabilang room” sagot nung isa nilang kasama na kulay blonde din ang buhok
Nahihilo pa ako pero tumayo ako at lumabas nang kwarto “Kae saglit lang..!!”hindi ko pinansin kung sino man ang tumawag sa akin nun, pano ba kami napunta sa ospital? Ang pagkakatanda ko nasa bar kami, at nakikipagsapakan si Jairus doon
Nagderederetso ako sa room na nasa right side ko, pagpasok ko, nagulat ako nang may nakita akong binabalot nung nurse nang puting tela yung pasyente “*sniff* *sniff* UWAAAHHH” cry.. cry.. cry..
Napaupo ako sa may pinto, yung nurse nagulat nang nakita akong umiiyak, WHY Jai, hindi man lang ako nakapagpaalam sayo, bat bigla ka na lang nawala, bat mo kami iniwan “UWWAAAAhhh---“
“oy Kae, sa left side yung room ni Jairus..”sabi nung isang member nang OS na naka nerdy glass, wew cool!!
Ano daw? Left side?? UH OH!! Dahan dahan akong tumayo , yung nurse nawiwirduhan na sa akin “miss kamag anak ba kayo anng pasyente?” tukoy niya dun sa pasyenteng binabalot niya nang puting tela
“HA? Ah eh, malungkot lang ako sa sinapit niya..” WUSHUU!!~~ takbo
dumiretso ako sa kabilang room, malay ko bang nasa left side, sabi lang naman kase sa akin sa kabilang room, abay malay ko bang left side ang kwarto ni Jairus, naman oh!! Nakakahiya ka KAE!!