Chapter seven
Im Bored…
Numbers…
Computation..
One..
Two..
Three…
With X…
And Y…
OHMAY..
Hindi ko gets….
Ayokong matulog, kukulitin ko na lang tong katabi ko…
“hey, Julian, close ba kayo nang kapatid mo? Ha? Ha?” bulong ko sa katabi ko, nakakabagot ang making sa professor nahahawa na ako sa iba naming classmate
“pwede tumahimik ka”
“nagtatanong lang..” sungit, magkaugali sila nang kapatid niya “ah sya nga pala, diba classmate kita sa dance class?”
“eh ano ngayon?”
“Martes, martes ngayon..”
“tsk, tumahimik ka nga..” mukang nainis sya sa joke ko, bored lang naman ako kaya ko sya kinukulit
Nagsulat na lang ako nang lecture nang professor namin, at yung katabi ko, hindi man lang nagsusulat, para bang may sarili syang mundo, nakasandal sa upuan at nakapikit
Matapos ang klase namin nakapiikit pa rin si Julian, inuga ko sya para magising, at ayan na nga, tinitigan nanaman niya ako ng masama “tapos na yung klase..” alam kong galit sya dahil ginising ko sya, lalabas nasana ako pero sabi nang professor namin kanina may exam kami kaya naman “oh hiramin mo muna, ibalik mo na lang mamaya pag nakopya mo na…..” inilapag ko yung notes ko sa desk na nasa tapat niya
magreview sya para makakopya ako haha joke! hindi yun yung intention ko noh, super bobo ko naman kung ganun
Bat ba kase ang bait ko haha, pano naman kase hindi sya naglelecture or nagjojot down, baka mazero sya, nakakahiya naman pag nagkataon haha!! Ang bait ko talaga
AFTER AN HOUR…..
Katatapos ko lang mag lunch...
Kasama ko kanina ang SPG kasama ko silang maglunch, at ngayon papunta ako sa locker para magpalit nang pang afternoon uniform ko, specialization na YEEEEPEE!!
Medyo konti lang ang tao ngayon ah? Anong meron? Baka naglulunch pa? sabagay maaga pa naman, kinuha ko na yung uniform ko sa locker at pupunta nasana sa ladies room
Hanggang sa may dumating na tatlong babae at hinarang ako sa tapat ng pinto ng ladies room, kabilang na si Maggie dun ano nanamang kailangan ng babaeng to saken, di pa ako nakakabawi ah…
Pinaikutan nila akong tatlo, ano to? Maglalaro ba kami?, problema nang mga to? “hoy ikaw..” sabi ni Maggie sa akin, nakahanap na sya nang kakampi niya, infairness magkakamuka silang tatlo.
“bakit?”
“tandaan mo hindi ka seseryosohin ni Jairus” naman oh!sabi na eh, putakteng jai nayan, inilagay niya ang kalahati ng katawan ko sa hukay
Malamang parusa ko to, dahil sa mga ginawa ko sa kanya, remember? Yung lalake sa comfort room noon? Sya pala yun, kelan ko lang nalaman nang mapagdikit dikit ko yung mga puzzle question sa utak ko
“eh ano naman?” kailangan kong umarteng girlfriend kundi lagot ako neto sa kanya
Sabi ko nga diba? nagpapanggap kami dahil gusto niya layuan sya ni Maggie dahil naiirita sya dito? at gusto daw ni Maggie na si Jairus ang maging maste niya oh diba? sya na lang sana
Hindi na nga sya masyadong kinukulit ni Maggie magic sarap, pero sinong pinahamak niya? Edi ako, ako na walang kamalay malay, ako na laging napapatrouble simula nung sinabi niyang girlfriend niya ako
Biglang hinawakan ni Maggie yung buhok ko, WAAAHHH NOT MY PRECIOUS HAIR!!! NO!!NO!!NO!! “bitiwan mo nga yang buhok--- ano ba!!!!” hawakan mo na lahat wag lang ang pinakaiingat ingatan kong yaman
Ang buhok ko
“wag kang magmayabang, hindi rin naman kayo magtatagal..”
“SHATAP!!!, mahal ako ni Jai..” hoho!! Best actress, but im In trouble
“sigurado ka? Mahal ka? HAHAHA, oh na saan sya ngayon? Matutulungan ka ba niya? ..” aray ah, hawak niya parin ang buhok ko, no please alaga ko ang hair ko, wag mong hahawakan!!!
Pinipilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa buhok ko, yung dalawang kasama niya, nakatayo lang, ano kayo security? Security? Si Maggie lang ang humihila sa buhok ko
Nang mahila ko ang kamay niya palayo sa buhok ko ay hinawakan ko rin ang buhok niya “outch!!outch!!outch!! “ arte eh, hinila ko lang saglit binitiwan ko rin, baka kase malagas ang nipis pa man din--
*SLAAAAP*
Napahawak ako sa pisngi ko, bigla akong sinampal ni Maggie bestfriedn no. 1, akala ko mga estatwa lang tong mga to, bat biglang gumalaw tong isa “walang hiya ka!!”
OHMAYGHAD!!! Hinila nanaman niya ang precious hair ko, SHEETT!! Ang sakit, sumama na rin yung dalawa, hey hey, UNFAIR!! TO!! UNFAIR TO!! WAAAHHH!!!!
“BITIWAN NIYO BUHOK KO!!!!” huhu, ang haggard na ang hair ko “ ANO BA BITIWAN NIYO SABI—“
Napahinto ako saglit nang may lalakeng nanunuod nang sabunutan effect namin dito sa tapat ng ladies room “Julian?” sabay sabay na sinabi nung tatlo, pero nakahawak parin silang tatlo sa buhok ko
May kinuha si Julian sa bag niya, yung notes na binigay ko sa kanya kanina “hindi ko kailangan ng notes mo..” bigla niyang inihagis sa akin yung notes ko, buti nasalo ko, WUUSHHU!! Best catcher ever!
Saglit lang kaming nanahimik, dahil dumaan si Darna haha joke wew! Dahil dumaan si Julian Nasa danger zone na nga ako ganito parin ang nasa utak ko, MEAN KAE ang MEAN MO haha!!
Umalis na sya at iniwan lang ako
HOY JULIAN!! hindi mo ba ako tuutlungan, your one and only super duper kind seatmate s***h classmate Hindi mo man lang ba ako hihilain paalis dito, im in trouble! Im in trouble! Help me please, baka malagas ang buhok ko
Biglang hinila ni Maggie yung buhok ko “are you cheating on Jairus?”
“HUH? Cheating..” nangongopya? No Kae hindi yun ang point niya “no im not..”
“ow, girl, hindi ka pa nakontento kay Jai ah, pati kapatid niya inaakit mo pa..” sabi ni Maggie bestfriend no.2
Ano bang pinagsasabi ng mga punyetang to, nakakabwiset na ah, anong cheating, hindi ako ganun ah, stick to one ako, wew! Feeling ko naman true girlfriend ako nung bwiset na Jairus nayun
“PWEDE BA BITIWAN NIYO BUHOK KO!!” pagrereklamo ko
“pano kung ayoko—“ hinila niya ulit yung buhok ko pero napahinto nanaman kami nang may dumatin nanamang lalake
“sya nga pala may nakalimutan akong sabihin..” hinawakan ni Julian ang kamay ko at hinila ako palayo sa lugar namin kanina
OW MEN!! My savior hoho!! JULIAN The great is here!!
Nang makalayo na kami ng konte “ wag mo kong gigisingin pag natutulog ako..” binitwan na niya ang kamay ko, at naglakad na sya palayo
Kahit hindi niya sabihin, kahit hindi niya ipahalata, halata naman na inilayo niya ako sa tatlong gorgon na yun, kahit papano concern stupident din pala tong si Julian eh
Hinabol ko sya at sinabayang maglakad “ikaw ah, patagal ka pa, ililigtas mo rin naman pala ako, bat tinagalan mo pa..”
“huh?”
“hay, wag ka anng magmaang maangan dyan, inilayo mo ko diba? diba?” Heto nanaman ang kakulitan ko “oy, concern..” then I poke him
“whatever..”
“kahit papano pala, mas mabait ka dun sa kapatid mo, alam mo bang kundi dahil sa kanya, hindi ako mapapahamak, nakakaloka, chix magnet pala yang kapatid mo eh ikaw sino palang slave---“ay “ nasaan na yung kausap ko?” napakamot ako nang ulo ko
Paglingon ko sa likuran ko, ayun sya at naglalakad, masyado ba akong makulit para maging kaibigan ng taong yan? Or, mas lalo pa akong maging makulit para makaibigan si Julian baka sapakin na ako niyan kapag kinulit kulit ko pa sya
******
Dumiretso na ako sa klase ko, one pm hanggang six ang klase ko, wala rin yung classmate ko na si Julian sa dance class namin, kahit kelan talaga yun oh, sabagay, mayaman naman sya kanila tong school , kaya kahit di sya pumasok, papasa parin yun
Nagpunta na ako sa dorm, katatapos lang nang last class ko, bubuksan ko palang sana yung pintuan nang kwarto ko ay may “mam, may nagpapabigay po..” sabi nung janitor may iniabot syang box sa akin
“sa akin..? as in saken?”tumango tango lang yung janitor then umalis din lang
WOAH!! baka galing kanila mama? Hoho!! May nakita akong maliit na papel sa gilid at ang nakalagay “YOU’RE THE NEXT” hindi ko pinansin iyon at Sa sobrang excited binuksan ko kaagad yung box, ano kayang nasa loob nang—“AAAAAAAAAAAAHHHH!!!” nabitiwan ko bigla yung box at nagpapasok ako bigla sa loob ng room
Room na nasa tapat ko lang..
Nasa study table sya at napalingon nang makita niya akong pumasok sa loob nang room niya “what?”
“*sniff* UWAAAAHHH!!!” cry cry cry
“hey, pumunta ka lang ba dito para mangistorbo?”
“*sniff* pano kase *sniffI* may *sniff* may patay na pusa*sniff*” hindi ko masabi nang diretso, yung laman nang box, ay patay na pusa
“tsk… get out!”
“UWAAAHHH please Jai, help me…”
“at bakit kita tutulungan?” walang hiyang boyfriend to, kung sabagay, sabi naman niya kapag may tao lang tsaka lang kami magpanggap na kami, pero pag kaming dalawa, haruuu, dedma..
“sige na please, tignan mo lang yung room ko, baka kase may killer na sa loob” feeling ko kase may death threat ako huhu, KASALANAN MO TO!!!
“i said get out”
“naman Jai, sige na please….” Hindi tumalab ang charm ko
Nasa pinto parin ako at nagmamakaawang samahan ako sa kwarto, walang malisya, gusto ko lang na may mag inspect, baka kase may tao na sa loob at katayin ako katulad nang pusa na nasa box, malala na to , natatakot na ako
Ilang minuto akong nakatayo sa pintuan, hindi niya ako pinapansin, hello? JAIRUS?? YOUR GIRLFRIEND IS HERE!!!YUHUUU!!, JAIRUS your gorgeous girlfriend is here!! Wew! pero bat ba ayaw niya ako tulungan.
Lumapit ako sa study table niya and I seat beside him, linawin ko lang sa sahig ako nakaupo “Jairus… Jairus…. jairus..” I muttered
“shut up!!” he said coldly
“Im scared!!” huhu
“I don’t care”
“IM SCARED! .. IM SCARED !.. IM SCARED!—“ I yelled
“GODANMIT I SAID SHUT UP!!”
“WAAAHhh, Im scared!! Im scared!! Im scared!!”
“I SAID SHUT YOUR f*****g MOUTH KAE!!!” he yelled
“im sacred *sniff* sniff* IM SCARED!!! IM SCARED!!”
Tumayo sya bigla, UH OH! Super saiyan four, lagot ka Kae Napahinto tuloy ako nang makita kong nagtitimpi na sya nang galit, one second two seconds, WOOOOSSSHHH~~ walang naimik, kinakalma niya sarili niya
Naglakad sya palabas, habang ako nakaupo parin dito sa sahig, wala pang isang minuto “hindi ka ba suusnod?” huh? ano daw?
Tumayo na rin ako at lumabas, sasamahan rin pala ako eh, pinatagal pa, naku Jairus, tinignan niya muna yung box na naiwan sa tapat ng pinto ko, at sinipa ito palayo, ang gago niya
Sya ang unang pumasok sa loob ng room ko, baka mamaya may killer, edi sya ang unang papatayin HOHO!! ^O^ sumunod na rin akong pumasok, nakahinga ako nang maluwag nang na on na yung mga ilaw
Napaupo ako kaagad sa couch, teka? Nasaan na si Jai “is this yours?” nasa pinto sya ng cr ko at hawak ang aking precious panty
Ta-tae KA!!!!!!
“akin yan…!!” inagaw ko yung panty ko na hawak niya
“your safe..” naglakad sya papuntang pinto, pero hindi pa sya lumalabas, nakasandal lang sya at habang naka crossed arm
Habang ako, waaahhh my face turning bright red huhu nakakahiya, bat sya nangalkal ng gamit sa cr ko, napansin pa niya yung nakasampay na underwear ko, how bad!!!
“kasalanan mo to..” i said in a mad tone “kung hindi mo ko pinagpanggap na girlfriend mo, hindi ako mapapahamak, lagi na lang akong napapahamak..” ARRGG ,, nakakinis
“who cares..”
“who cares who cares your face!!” Itinapon ko yung hawak ko, nasalo naman niya kaagad
Pero napagtanto ko “hey ibalik mo yan..” my UNDY!!!! WAAAHHH!!! Bat yun pa ang natapon ko , yun naman kase ang nasa kamay ko
Hinawakan niya yung garter ng underwear ko and he stretch it, “ you perverted alien!! Akin na yan!!” inagawa ko sa kamay niya yung underwear ko, kanins, bwiset! Ang malas!!
“labas labas labas..”itinutulak ko sya palabas ng kwarto ko, nahihiya ako, bat niya pinaglaruan ang panty ko AARRRRGGG Paglalaruan ko rin yang brief mo eh nang makabawi ako