Chapter 15 Use Muli ay hinayaan kong tumulo ang mga luha sa mga mata. He hug me deeper. He tried to comfort me pero hindi ko pa rin maiwasang maramdaman ang sakit sa puso ko. Oo, si Khalid ang nagparamdam sa'kin ng kasiyahang kailanman ay hindi ko nakikita sa iba pero si James ang hinahanap ng puso ko. Mahirap man pero kailangan kong tanggapin 'yon. Sa tatlong taon naming pagsasama ni James ay ilang beses ko na ring sinubukang magmahal ng iba lalo na sa tuwing pinapamukha niya akong walang silbi. Pero bigo akong gawin 'yon. Sa kay James pa rin ang bagsak ko sa huli. Ilang beses ko nang iniisip ang katangahan kong 'yon pero hindi ko madiktahan ang tinitibok nitong puso ko. Niyakap ko siya pabalik. Hindi ko alam kung bakit parang alam niyang nasasaktan ako. Mula pa doon sa isla