Chapter 16 Angry Maaga akong nagising kinabukasan. Una kong tiningnan pagkagising ko ang phone ko pero wala akong makitang kahit na anong message sa inbox nito. Suminghap ako ng hangin saka napatingin labas. It's already late six in the morning kaya nararamdaman ko na ang katamtamang init mula sa kakasikat lang na araw. I thought that number was from Khal. Pero nang nalaman kong mula pala iyon kay James ay medyo nakaramdam ako ng paghihinayang. I thought he will come here last night. Inaasahan ko pa naman ang presensya niya kagabi pero si James ang lumitaw. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng paghihinayang gayong hindi naman ako dapat nagkakaganito. Ilang beses na akong napasilip sa aking phone. Siguro umaasa lang ako sa wala. I am expecting him to contact me na alam ko n