France Jaime Tejada’s POV Para bang pinauwi lamang si Christine sa Pilipinas bago tuluyang nagkagulo sa Kaharian namin. Ang Rusa, bansang matagal nang kaalitan ng Espanya, ay nagpadala ng mga military sa border ng teritoryo na kasalukuyang pinag-aagawan ng dalawang bansa. At kahapon lamang ay nagpaputok ang mga ito ng missile na labis na kinakabahala ng Mahal na hari at ni Papa sa ngayon. Nais ng ilang mga elders sa Palasyo na gantihan ng mas malakas na sandata ang kampo ng Rusa. Ngunit hindi sang ayon si Papa bilang Heneral ng hukbong Sandatahan at ang Minister of Foreign Affairs sa ganoong reaksyon. Ayon dito ay mas lalo lang lalaki ang kaguluhan. Hindi lamang ang reputasyon ng Mahal na Hari ang dapat isaalang alang bagkus ay ang kapakanan ng mga mamamayan namin, ang mga ordinaryong t