France Christine Mondragon’s POV “Babe I’m really sorry about last night. Hindi ako nakaiwas sa mga taong lumalapit at nakikipag-usap sa akin.” Sabi ni Jaime sa akin. Alas otso pa lang ng umaga ay nandito na siya sa aking kwarto at may dalang breakfast. This is his way of making it up to me. “It’s okay. Naiintindihan ko.” Mahina kong tugon sa kanya. “Are you okay? Masama ba ba ang pakiramdam mo?” Inilagay nito ang palad niya sa aking noo upang pakiramdaman ang aking temperatura. Inilayo ko ang ulo ko mula sa kamay niya. “Okay lang ako, Tejada,” malamig kong pahayag. Hindi ko maitago ang nararamdaman ko. “Eh bakit ganyan ang tono ng boses mo? Galit ka pa rin ba sa akin? Sorry na, babe.” mas lumapit ito sa akin inulan ako maliliit na halik sa buong mukha ko hanggang sa napahiga ako p