France Christine Mondragon’s POV Tahimik akong nagliligpit ng bagahe ko dito sa guest room na tinutuluyan ko sa palasyo. Isang linggo na pala kaagad ang lumipas. Bukas ng umaga na ang flight ko pabalik sa Pilipinas. My fairytale vacation is about to end now. Mabigat ang loob ko habang nagliligpit, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Jaime ang saloobin ko tungkol sa sinabi ng Mama niya sa akin. Dapat nga ba naming tigilan na ang kahibangan naming ito? Magiging masaya nga ba kami kung ipipilit namin at ipaglalaban ang aming pag-ibig? Kailangan kong makausap si Jaime ngayon. Hindi pwedeng aalis akong hindi klaro kung saan patungo ang relasyong ito. Dapat ay makapag-usap kaming dalawa at magkaroon ng mutual na magdesisyon. Lumabas ako sa aking silid at naglakad sa mahabang pas