France Jaime Tejada POV Sumasayaw ako ngayon sa nightclub kasama ang mga barkada ko nung high school na parang ito na ang huling gabi ko sa mundo. Ito lang ang paraan upang magawa kong iwasan ang pag-iisip kay Christine. Mas gusto ko pang isipin ang hangover na darating bukas kaysa sa lungkot at sakit na nakita ko sa kanyang mga mata..sakit na dulot ko sa kanya. The music moves me like I'm a puppet on strings, my head is smashing so hard upang maging shut down mode ang utak ko. Basang basa ng pawis ang aking balat at t-shirt ngunit hindi lahat ay akin. Samutsaring amoy at pawis ang dumidikit sa akin sanhi ng pagbubunguan nga mga taong kasabay ko sa pagsasayaw. Ikinukubli ng mga maikli at maliwanag na kislap ng ilaw na nagmumula sa laser beams ang bawat galaw ko. Bawat pagpalakpak ng ak