France Christine Mondragon POV Sabado ng gabi, bandang alas-diyes. Ang gulo ng isipan ko at hindi ako makapag-isip ng maayos nitong mga nakaraang linggo. Hindi na kami nag-uusap ni Jaime mula noong hapon iyon sa aking bachelor's pad. Si Nick at Addie ay nag-aalala na din sa akin kaya't nagpasya silang dalawa na yayain akong lumabas. Para makalanghap daw naman ako ng sariwang hangin on a weekend. Ngunit paano ako makalanghap ng sariwang hangin sa isang masikip na bar? Kakaiba din talaga ang dalawang ito eh. Kailangan ko alisin sa isip ko si Jaimi at magpahinga sa sobrang pag-iisip. Halos araw-araw na lang mabigat at masakit ang ulo ko sa sobrang pag-aalala at sa walang katiyakang relasyon na gusto niyang mangyari. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na gusto kong pumayag. Gusto kong pag