France Christine Mondragon POV Napagpasyahan naming kumain sa labas at pag-usapan ang nangyari kanina. I was caught off guard nang sinabi niyang nagseselos nga siya kay Aaron. Nanigas ako at hindi nakasagot kaagad kanina. Kaya hinawakan niya ang kamay ko at inakay palabas ng school. Kakain na lang daw muna kami pagkatapos ay mag-uusap ng masinsinan. Tahimik kaming pareho ni Jaime ngayon. Katatapos lang naming kumain. Nasa isang Bar and Restaurant kami ngayon malapit sa Southdale University. Dinala ako ni Jaime sa paboritong tambayan daw niya noong high school pa lamang siya kasi sigurado daw siyang makakapag usap kami ng tahimik dito. “Tapos ka na bang kumain? Tara usap na tayo.” sambit nito sa akin. “Oh, saan ka pupunta akala ko ba mag-uusap tayo?” Tanong ko nang bigla na lamang itong