Nabigla si Dille sa narinig at ganoon rin si Justine. Pareho itong hindi nakapagsalita sa kanilang narinig, hindi alam ni Dille kung ano ang kaniyang maramdaman nang sandaling iyon. "Tay, ginawa ni Nanay iyan?" tanong ni Dille na hilam sa luha ang mga mata. "Oo, anak. Dahil gusto niya na may maiwan pa sa iyo na isang ina na mag-aalaga at magmamahal saiyo. Ang bilin ng Nanay Penny mo, Mahalin mo raw ang Mama Alita mo at isipin mo palagi na kasama mo lang siya." Muling humagulgol si Dille. "Oo, Tay. Mamahalin ko si Mama tulad ng pagmamahal ko kay Nanay. Lalo na ngayong alam ko na ang puso ni Nanay ay ang ginagamit ngayon ni Mama." "Salamat, anak." Inalalayan ni Dille ng kaniyang Tatay at pinaupo sa tabi ni Justine at umupo rin siya sa kabilang gilid. Agad namang hinawakan ng nobyo ang