"Salamat, Mama. Ummm... sabi pala ni Justine, doon ako mag-aaral sa pinapasukan niya. Para isa lang daw ang lakad namin." "Mabuti kung ganoon, anak. Huling taon na ni Justine ngayon, sinabi ba niya iyon?" "Oo, pero nangako naman siya na araw-araw pa rin niya akong susunduin. Si Tisoy pala Mama, gusto kong tulungan na makapag-aral ng maayos. Puwede ba natin siyang tulungan?" "Oo naman, anak. Alam kong parte na siya ng buhay mo at alam kong mahal mo ang batang iyon kaya mamahalin ko rin siya," pahayag nito. "Salamat, Mama. Para na kasing kapatid ko ang batang iyon at siya lang ang nag-iisa kong tunay na kaibigan." "Napansin ko nga rin iyan, anak. Anyway, gusto mo bang mag-mall tayo ngayon? Isasama natin si Tatay mo at si Tisoy." "Okay lang sa akin," nakangiting tugon ni Dille, at hal

