"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako. Hawak ko ang ama ng nobya mo. Kung gusto ninyong makitang buhay ang kaniyang ama. Kailangan niyang lumaban sa final tournament." End call. "Sandali! Hello! Hello! s**t!" Napamura si Justine at nagmadaling bumalik sa class room ni Dille. Nagsimula na ang unang klase ni Dille, ngunit wala siyang magawa. Kailangan niyang makausap ito. "Excuse me!" sabi ni Justine sa may pintuan. Agad naman siyang nakita ng nobya kaya dali-dali siyang lumabas. Sapagkat nakita niya sa mukha ng nobyo ang pagkabalisa. "Anong nangyari?" pag-alalang tanong ni Dille. "Si Tatay!" Halos hindi niya kayang masabi kay Dille ang tungkol sa ama. "Justine! Ano'ng nangyari kay, Tatay?" Mas lalong nag-alala si Dille at hindi na mapakali. "Dinukot siya, Dille. Kung gusto

