CHAPTER 20 BIGLA na lamang lumabas ang anyong bituin sa likuran ni Jiyeon pagkuwan lumutang siya sa alapaap. May kung anong kulay dilaw na kapangyarihan siyang nilabas hanggang sa binato niya ‘yon sa mga halimaw. Napapikit na lamang ang kalaban nang masilawan sila sa ginawa ni Jiyeon hanggang paisa-isa silang naglaho. Nang matapos niyang gawin ‘yon ay bumaba siya at bumalik sa sasakyan at muling nagmaneho. Nakahinga nang maluwag si Xavier nang matantuan niyang wala nang naghahabol na halimaw sa kanila. “Jusko! Buti na lang talaga nailabas na ni Jiyeon ang kapangyarihan niya,” ani Xavier habang hawak niya ang kaniyang dibdib. Patuloy na tumakbo ang pick-up car hanggang sa tumigil ito sa gas station. Bumaba ang lalaki dala ang empty jug at tahimik na nilagyan ng gasolina ang sasakyan.