CHAPTER 19 INAKYAT ni Xavier ang sasakyan hanggang sa nasa likuran na siya ni Miya. “Hawak mo kamay ko," ani Sabir nang ilahad niya sa harap nito ang kaniyang palad. Kaagad na ginawa ‘yon ni Xavier hanggang sa makalipat na ito sa pick-up car. “Ayos lang ba kayo?” tanong driver ng sasakyan nang matantuan niya sa side mirror na nasa kabilang sasakyan na si Miya. “Oo, ayos lang kami,”pagsagot ni Sabir dito. Sunod na umakyat si Heron sa ibabaw ng sasakyan at tumawid papuntang direksyon ni Sabir. “Paano na si Jiyeon? Paano siya makakatakas, eh siya driver?” naguguluhang tanong ni Xavier dito. “Ilabas mo kapangyarihan mo, Jiyeon! Wala nang oras para patagalin pa ‘yon!” sigaw ni Heron dito ngunit umiling lamang si Jiyeon dahil hindi nito maramdaman na may kapangyarihan pa siyang dumadalo