CHAPTER 18 MAS BINILISAN pa lalo ng lalaki ang pagtakbo ng sasakyan hanggang sa tagumpay silang nakatakas mula sa mga mabagsika na halimaw. Napabuga ng hangin sina Miya at Sabir dahil sa matinding pagtakas nila sa kabila ng paubos nilang enerhiya. Tumindig si Miya pagkuwan ay pinamasdan niya ang mga sira-sirang gusali at daan. “Nasa’n na kaya ibang mga tao dito?” tanong ni Miya habang ginagala ng tingin niya ang mga ito. “Sigurado akong may mga lugar silang pinagkakatipunan,” tugon ni Sabir dito habang nakatingin siya sa daan. Napalingon si Miya dito at tanaw niya napaisip nang malalim ito, di niya lang masayod kung ano ang iniisip nito. “Ano sa palagay mo, Sabir? May tyansa bang maliligtas natin ang mundong ito at mga bihag ni Hades?” Napangiwi si Sabir saka tiningnan si Miya. “K