CHAPTER 53 SUNOD-SUNOD na binato ng mga halimaw ang hawak nilang matulis na bagay papunta kay Heron na animo’y mga Ninja. Mabilis na nailagan ni Heron ang mga ‘yon hanggang sa nabuos ang hawak nilang talim. Napangiti si Heron dito dahil hindi man lang siya napagod ilagan ‘yon. “Tapos na kayo? Ngayon ako naman.” Hawak ni Heron ang umaapoy na espada nang sugurin niya ang mga halimaw. Mabilis niyang nahiwa ang mga iyon at paisa-isang nahulog ang katawan sa sahig ng arena. Walang pakialam si Heron kung ilang dugo pa ang ibubo niya dito basta’t maubos lang ang mga halimaw. Hindi na nakaramdam ng awa si Heron na puksain ang mga halimaw hanggang sa naubos ito. Puno ng dugo ang mukha niya nang ibaling ang tingin niya dito kay Thanatos. Napaatras na lamang ng paa si Thanatos dahil sa lakas ni H