CHAPTER 54 “KATAPUSAN mo na ngayon,” ani Heron nang bumuo siya ng bilog na kapangyarihan sa kamay niya saka niya tinutok kay Thanatos. Habang papalapit ‘yon sa kalaban ay unti-unting lumalaki ang kapangyarihan hanggang sa dumapo ito sa katawan ni Thanatos. Napasigaw sa kirot ang kalaban hanggang sa maglaho ito. Nang mangyari ‘yon ay naramdaman ng mga kasama ni Heron ang biglaang paglakas ng kapangyarihan nila. “Ang gaan sa pakiramdaman na parang gusto kong makipaglaban,” ani Sabir nang tingnan niya ang dalawa niyang palad saka niya kinuyom ‘yon. “Ramdam ko rin ang paglakas ng kapangyarihan ko. Parang bumalik na ang sigla ko,” wika ni King Cadmus. “Naglaho na ang itim na kapangyarihan ni Thanatos kaya bumalik na ang kapangyarihan natin,” masayang utas na wika ni Miya sa kanila. “Nasa