CHAPTER 55 LUMINGON muli si Heron sa dagatdagatang apoy saka siya pumikit pagkuwan ay hinayaan niyang bumagsak ang sarili niya dito. Dama na niya ang init ng likod niya nang biglang lumitaw siya. Napadilat siya ng mata nang matantuan niyang hindi siya natuluyan dito. “Whoa!” sigaw niya pagkuwan ay biglang may humawak sa braso niyang isang makasalanang nilalang na humihingi ng tulong. “Tulungan mo ako. Napapagod na ako. Tulong.” Agad na tinanggal ni Heron ang kamay nito sa braso niya pagkuwan ay agad siyang lumipad palayo dito. Napalunok siya ng laway nang matapos siyang makalayo dahil sa takot na baka hilain siya ng nilalang na ‘yon. Takang pinagmasdan ni Hades ang nangyari kay Heron. Paanong nagawa nitong magpalabas ng kapangyarihan kahit na malapit na itong bumagsak s