DAGLING tumakbo sina Miya, Xavier at ang babae papuntang laboratory. Pagdating nila ay napahigit ng paghinga si Miya kasabay ng pagtakip bibig niya nang matantuang duguan ang bibig ng doktor at tila bagang bulok na ang mukha nito. Tanaw din niya ang pula nitong mata hudyat na kumalat na ang symbiote sa katawan nito. “Anong nangyari, Nurse Kyla? Bakit kasama mo ang pasyente dito? Nasa’n si Doc Victor?” tanong ng kararating na isang babaeng nurse pagkapasok nito sa laboratory. “P-Parang nagwawalala kasi si Doc Victor kanina, Nurse Chona,” sagot ni Nurse Kyla dito. “Ano?” kunot-noong wika nito saka binaling ang tingin dito sa doktor. Lumapit si Nurse Chona kay Doc Victor upang usisain niya ang nangyari dito. Pagdating niya ay lakas loob niya itong kinausap sa pag-aakalang may sakit ito.