Chapter 6

1692 Words
CHAPTER 6 NAAGAW nina Jiyeon at Heron ang atensyon ng mga empleyado nang kapuwa itong naglakad patungong opisina. Lihim na napapikit ng mata si Jiyeon dahil sa maling desisyon niyang isama si Heron sa kompanya. Paano ba naman ‘yan? Eh, lahat ata ng dinaanan nila ay napapalingon sa kanila. “Omg! Kambal ba ‘yan ni Sir Jiyeon? Grabe! Ang guwapo!” kilig na wika ng isang babaeng empleyado. “Oo nga. Ngayon ko lang nalaman na may kambal pala si Sir Jiyeon,” tugon ng kasama nito. Napangiti si Heron dito kaya mas lalong nagsigawan ang mga kababaihan dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Parang ngayon lang ata nila nakita ang ngiti ng binata na kabaliktaran kay Jiyeon. “Bakit kaya tumili sila?” tanong ni Heron kay Jiyeon. “May kapangyarihan ka, you should know their thoughts.” “Ayokong gamitin sa walang kabuluhan ang kapangyarihan ko. At saka, hindi pa ako isang God para mabasa ko kaagad ang isip nila,” mabilis na pagsagot ni Heron dito kaya di na nagsalita pa si Jiyeon at patuloy lang ito naglakad hanggang sa makapasok siya ng opisina. Manghang nilibot ni Heron ang kaniyang paningin sa buong kuwarto dahil sa ganda ng disenyo kung ikukumpara sa palasyo ng Land of Moonhollow. “Hindi ako makapaniwalang ang ganda ng kuwarto mo, Jiyeon. Kakaibang disenyo ito,” ngiting wika niya dito saka nagtungo sa aircon na kakabukas lang ni Jiyeon. “Ang tagal ko nang gustong malaman kung bakit sobrang lamig kapag binuksan ito,” mausisang pagtatakang wika ni Heron. Hindi na nakapagpigil si Jiyeon kaya natawa siya nang marinig ang sinabi nito. “Wala kasi ‘yan sa planeta mo. May kuryente ba kayo do’n?” “Kuryente? Oo, mero’n. Si God Zeus ang nagkaloob sa amin para magkaro’n kami ng ilaw.” “Hindi ba mainit sa lugar niyo?” “Minsan. Parang katulad lang din dito sa mundo niyo ang temperatura.” “Ahh. Ang tawag d’yan ay aircon. Dahil mainit sa Pilipinas, binubuksan ko ‘yan para maging mas komportable ako sa trabaho.” Tumango lang si Heron pagkuwan ay naglakad siya papuntang sala saka siya umupo sa sofa. Ilang sandali pa ay biglang may pumasok na isang babae sa loob ng opisina. “Good morning, Sir Jiyeon. Ito po ang schedule mo for this week. May lunch meeting po kayo later with Investor Rosales,” ngiting wika ng secretary ni Jiyeon. Napatindig si Heron nang matantuan niya ang hitsura ng babae dahil hindi siya makapaniwalang kamukha nito si Miya. “Miya? Ikaw ba ‘yan?” gulat na tanong ni Heron dito kaya napabaling ng tingin ang dalaga at umiling ito. “Hindi siya si Miya. Her name is Mira, my secretary,” pagsingit ni Jiyeon dito. Nanlaki ang mata ni Mira nang makitang magkamukha ang dalawa. “K-Kambal mo po, Sir Jiyeon?” tanong ng dalaga. “Ahhh...Y-yes! I forgot to introduce to you, my long-lost brother, Heron.” Napangiti si Mira dito saka nagsalita. “I see. Hindi na po ako magtataka dahil magkamukha po kayo,” nahihiyang sambit ni Mira kay Jiyeon. “Sige po. Alis na po ako, Sir Jiyeon,” wika ni Mira saka nilisan ang opisina. Nang makaalis na si Mira ay lumapit si Heron kay Jiyeon. “May gusto ka ba kay Mira?” biglang tanong ni Heron dito kaya halos malaglag sa office chair si Jiyeon nang marinig ito kasabay ng pagpula ng kaniyang pisngi. “P-Paano mong nasabing may gusto ako?” gulat na tanong ni Jiyeon dito nang di makapaniwalang itatanong ni Heron ‘yon. “Hmmm. Kasi kamukha niya ang babaeng nagugustuhan ko sa lugar namin. Nagbabakasakali lang na baka gusto mo rin siya dito,” asar na ngiti na sabi nito kay Jiyeon. Napabuga ng hangin si Jiyeon ay naiilang na tumawa. “Busy ako para magkagusto sa babae ngayon, Heron. Huwag mong nang isipin ‘yon. Hehe. Alright, umupo ka lang d’yan at manuod ng tv. I’ll work now.” Bumalik sa sala si Heron at umayos ng pag-upo sa harap ng telebisyon. Dahil sa inosente pa ito at walang alam sa remote control ay ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang buksan ang tv. Bumungad sa kaniya ang galing ng isang lalaking may kapangyarihang tubig. “Whoa! Ito ba ang sinasabi mong anak ni Poseidon?” lakas tonong tanong ni Heron dito. “Oo, si Percy Jackson ‘yan. Manuod ka na lang d’yan, h’wag mo na akong disturbuhin,” tugon ni Jiyeon dito saka nagpatuloy sa trabaho. “Grabe! Ang sarap siguro mabuhay sa mundo niyo. Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang mero’n sa gumawa ng bagay na ito. Paano kaya nakakapasok ang mga tao sa isang maliit na bagay?” Napakamot na lang ng ulo si Jiyeon saka umiling. Maraming mga bagay ang mero’n sa mundo niya na nawala sa mundo ni Heron dahil hindi uso do’n ang teknolohiya. *** HINDI mapakali si Queen Hermonia kaya tumayo siya mula sa kaniyang hinihigaan at nagpunta sa nakasilyadong pinto. “Nag-aalala ako para kay Heron, Mahal. Wala tayong alam kung nasa’n siya. Paano na lang kung kasama siyang nagunaw sa Planet Zeta?” “Hindi natin malalaman ‘yan, kung hindi tayo makakalabas dito sa kulangan,” pagsagot ni King Cadmus. “Ano na ang gagawin natin? Paano tayo makakatakas dito? Ni hindi natin magawang magpalabas ng kapangyarihan dito,” naiiyak na wika ni Queen Hermonia kaya tumindig si King Cadmus at niyakap ang asawa. “Magpakatibay ka lang, Mahal ko. Nararamdaman kong ligtas ang anak natin at makakatakas din tayo dito.” Ilang sandali pa ay biglang may nagbukas ng pinto—isang kawal na may dalang pagkain para sa kanila. Walang imik na nilagay ito sa lamesa pagkuwan ay nilisan ang kuwarto. Nang akmang lalapit na si Queen Hermonia ay pinigilan ni King Cadmus ito. “H’wag! Baka may lason.” Napaatras na lamang si Queen Hermonia nang marinig niya ‘yon. Kahit na nakakaramdam na siya ng gutom ay pinigilan niya ang kaniyang sarili upang maligtas lang siya. Kapuwa silage bumuntong-hininga dahil wala na silang maisip na paraan para makaligtas pa mula kay Hades. “Hindi ko na alam ang gagawin ko para mailigtas natin ang bayan natin at lahat mga nilalang sa Planet Zeta,” malungkot na wika ni King Cadmus dito sa kaisipang wala na siyang pag-asang manalo laban kay Hades. Ilang sandali pa ay biglang lumitaw sa harapan nila si Anghel Gabriel. “H’wag kayong mangamba, King Cadmus at Queen Hermonia. Ang ‘yong anak na si Heron ay ligtas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD