Chapter 7

828 Words
CHAPTER 7 NATIGILAN sina Queen Hermonia at King Cadmus nang marinig nila ang sinabi ng anghel. “A-ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni King Cadmus dito kaya ngumiti si Anghel Gabriel. “Si Heron ay nasa Planetang Earth.” “P-Paanong nakapasok siya sa Earth?” naguguluhang tanong ni Queen Hermonia. “Dinala siya ni God Zeus sa Earth upang iligtas niya kayo at.ang mundong ‘yon.” Nanlaki ang mata ni King Cadmus dahil sa sinabi nito. “E-Earth ang sunod na gugunawin?” gulat na tanong niya dito. “Iyon nga ang sunod na mangyayari, King Cadmus. Kaya h’wag kayong mag-alala, si Heron ang tanging makakapigil kay Hades.” Magsasalita pa sana si King Cadmus ngunit unti-unti nang naglaho ang imahe ng anghel kaya huminga na lamang siya nang malalim. “Hindi ko akalaing si Heron ang nakatakdang iligtas ang Zeta at Earth,” aniya sa sarili kaya nagsalita si Queen Hermonia. “Wala ka bang tiwala sa anak mo, Mahal? Tanda ko pa ang sinabi ng ama sa atin na mas malakas si Heron sa kaniya. Naniniwala ako sa kakayahan ni Heron at alam kong matatalo niya si Hades.” Napakuyom ng kamay si King Cadmus dahil nababahala siya na baka hindi kayanin ng kapangyarihan ni Heron na talunin si Hades. Ilang sandali pa ay muling binuksan ng kawal ang pinto ng kuwarto nila. Laking gulat ng dalawa nang makitang pumasok sa loob si Hades. Nakakaumay na ngiti ang natamo nila dito nang lumapit ito sa kanila. “Magaling ang sinabi ng anghel sa inyo, Cadmus. Nalalaman kong ang anak mo raw ang makakapigil sa sunod na gagawin ko,” wika ni Hades saka marahang tumawa. “Natalo ang anak mo sa Mythic Battle of the Lords at bakit siya ang magtatanggol dito? Nagpapatawa ba ang Anghel na ‘yon?” dagdag na sabi ni Hades at muli siyang tumawa. Tiningnan lang ni King Cadmus si Hades ng masama. “H’wag mo na idamay si Heron at ang ibang mga nilalang na sinakop mo, Hades!” sigaw nito sa kaaway pagkuwan ay nangalit ang mga ngipin. “Huli na ang lahat, Cadmus. Sa haba ng panahong hinayaan ko kayong mabuhay sa Zeta, ni hindi niyo alam kung paano niyo ako mapipigilan kapag dumating ang araw ng pagsakop ko? Gano’n na ba talaga kayo kahina? O umaasa lang kayo sa taglay na lakas na mero’n sa Panginoon niyong si Ares?” Napalunok ng laway si King Cadmus kasabay ng pagsingkit ng kaniyang mata dahil sa galit. Akmang ilalabas na niya ang kapangyarihan niya ngunit bigo niyang nagawa ‘yon. Malakas na paghalakhak ang napagtanto niya mula kay Hades nang mangyari ‘yon. “Kahit anong gawin mo, Cadmus, hindi mo mailalabas ang kapangyarihan mo dito sa lugar ko dahil nakasilyado ‘to,” anito saka muling tumawa nang malakas. “Ihanda niyo na sarli niyo dahil may celebrasyon tayong gagawin mamaya,” nakakaumay na ngiti na wika ni Hades dito saka nito nilisan ang kuwarto. Kaagad na lumapit ang hari sa pinto saka ito muling nagsalita habang sinusundan niya ng tingin si Hades. “Ang sama mo, Hades! H'wag mo nang idamay ang anak ko at mga nasasakupan ko. Ako na lang harapin mo!" sigaw na sabi ni King Cadmus ngunit lihim lamang na tumawa si Hades dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD