Chapter 8

831 Words
CHAPTER 8 “ITAAS ang kamay holdap to!" sigaw ng lalaking nakasuot maskara habang tinututok nito sa noo ang baril ng babaeng nasa cashier. Natigilan sina Heron at Jiyeon sa narinig nila at dahil do’n ay akmang lalapit si Heron upang pigilan niya ang magnanakaw ngunit pinigilan ni Jiyeon ‘yon. “Bakit mo ako pinigilan?” tanong ni Heron dito. “Masama ang kutob ko. May nakikita akong itim na bagay na bumabalot sa pagkatao ng lalaking ‘yon,” tugon ni Jiyeon habang nakamasid ang paningin sa lalaking iyon kaya binaling muli ni Heron ang mata niya dito at laking gulat niyang maramdaman ang kakaibang inerhiya sa lalaki. May kung anong kabang naramdaman si Hades dito nang magpagtanto niya ‘yon. “Parang... parang nararamdaman ko ang kapangyarihan ni Hades sa lalaking ito,” aniya pagkuwan ay napaatras siya dahil sa takot. “A-ano na gagawin natin?” Hindi makasagot si Heron hanggang sa makita nilang pinuwersa ng lalaki na ipasok sa dala niyang bag ang mga pera mula sa kaha. “Pakibilisan mo dahil nagmamadali ako!” utos nito sa babae kaya dahil sa takot ay agad na pinasok ng babae lahat ng pera sa kaha. “T-tapos na po,” takot na wika ng babae dito kaya no’ng tumalikod na ang lalaki ay laking gulat ng mga customer nang lumapit ito upang ilagay lahat ng pera nito sa bag. “Akin na lahat ng pera at alahas mo!” agresibong utos niya dito sa babaeng kasama nito ang tatlong taong gulang na bata. “Mama, natatakot po ako sa lalaking ito,” naiiyak na wika ng bata kaya mas lalong hinigpitan ng ina ang kamay ng anak. Tahimik na pinasok ng babae ang pera at alahas niya habang tumutulo ang luha. Nagpapakatatag itong hindi makita ng kaniyang sariling anak ang nararamdaman niya nang ibigay ang mga importanteng bagay sa kaniya. Inisa-isa ng lalaking magnanakaw lahat ng mga tao sa loob upang kunin ang pera at iba pang pag-aari hanggang sa si Heron ang sumunod. “Akin na lahat ng pera at alahas mo!” galit tonong wika ng lalaki ngunit tinaasan lang ni Heron ng kilay ito. “Wala akong pera at wala akong alahas,” sarkastikong tugon ni Heron dito kaya umigting ang galit ng lalaki dahilan nang kinapa niya ang bulsa ni Heron. “Kahit ilang ulit mo akong kapain, wala kang mahahanap na bagay na makukuha mo.” Tinutok ng lalaking magnanakaw ang baril niya sa noo ni Heron at galit na muling nagsalita. “Alam kong may dala kang pera, kaya ibigay mo na kung ayaw mong pasabugin ko ‘tong ulo mo,” gigil na wika ng lalaki pagkuwan ay tumawa lamang nang marahan si Heron. “Wala nga akong pera. Naiintindihan mo ba sinabi ko?” “Pinipigilan ko lang sarili ko at kapag sabihin mo ulit ‘yon, di na ako magdadalawang isip na barilin kita. Kaya ibigay mo na sa akin lahat ng pera mo!” Nang akmang magsasalita ulit si Heron ay sumingit na si Jiyeon sa usapan. “Wala po talaga siyang pera dahil nasa’kin lahat. Ito, ibibigay ko sa’yo lahat ng perang mero’n ako," ani Jiyeon nang kunin niya sa bulsa ang pitaka niya at nilagay sa bag ang pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD