CHAPTER 9
“BAWIIN mong ang pera na ‘yan, Jiyeon," seryosong wika ni Heron dito pagkuwan ay tiningan niya ng masama ang lalaki.
Ngiting napahilamos ng mukha ang kaaway saka ngumiti at nilagay sa baba ang baril dito.
“Lalaban ka ba ha?” inis na sabi ng lalaki kaya napakuyom ng mahigpit si Heron at di kalaunan ay biglang nagpatay sindi ang mga ilaw sa loob.
“Lumabas kayo kung ayaw niyong masaktan!” sigaw ni Jiyeon kaya tarantang nagsilabas ang mga customers kasama ang staff upang di sila madamay sa away ng dalawa.
“Jusko! Ang negosyo ko!” sigaw ng babaeng kakapasok lang ng convenience store nang matantuan ang nangyayari.
Lumapit si Jiyeon dito at hinawakan ang magkabilang braso upang itulak palabas ng tindahan ang babae.
“Pasensya na po Ma’am pero kailangan natin umalis dito at baka madamay kayo,” paumanhin na wika ni Jiyeon ngunit nagpumilit ang babae na pumasok upang isalba ang negosyo niya pagkuwan ay lumapit ito sa lalaking magnanakaw.
“Anong kaguluhan itong ginagawa mo? Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga salot na taong kagaya mo!” galit na sigaw ng babae sa lalaking kawatan.
Dahil sa poot na umaalab sa puso ng lalaki ay galit na nilingon niya ang babae at agad na tinutok ang baril dito at pinutok sa harap niya.
“No!” sigaw ni Jiyeon nang laking gulat niyang makita ang ginawa ng lalaki.
Nang mangyari ‘yon ay mabilis na hinarang ni Heron ang bala na dapat sana ay tatama sa babae. Imbis na tumama sa dibdib ni Heron ang bala ay bumalik ito papunta sa direksyon sa lalaki. Mabuti na lang ay karakang nailagan ng lalaki ‘yon at tumama lang sa pader.
Napabuga ng hangin ang lalaki dahil sa kakaibang galing na pinakita ni Heron dito.
“Heh. Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ang bagay na ‘yon pero hindi mo ako mapipigilan!”
Halos hindi makagalaw si Heron nang biglang nagbago ang hitsura ng lalaki. Sa di naasahang pangyayari ay dahan-dahan itong tumangkad, at nag-anyong kamukha ng isang kabayo na may dalawang sungay sa ulo, kulubot ang balat, saka humaba rin ang kamay pati ang kuko nito.
“Waa! Halimaw!” sigaw ng babae sa likuran niya nang matantuan ito at dagling lumabas dahil sa takot.
Napalunok ng laway si Heron dahil sa tagal niyang nabuhay sa mundo nila ay ngayon lang siya nakakita ng kakaibang histura.
“Ito ba ang sinasabi nilang halimaw?” wika ni Heron sa sarili ngunit dinig siya ng lalaki.
“Heh. Ngayon alam mo na ang hitsura ng isang halimaw? Hindi mo ba alam na ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganito ako?”
“A-anong ibigsabihin mo?”
“Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ni Thanatos sa akin na alagad ni Hades. Siya ang nagbigay sa akin ng itim na kapangyarihan para puksain ka.”
Nilapit ng halimaw ang bibig niya sa tenga ni Heron at may binulong ito sa kaniya.
“Ikaw daw ang tagapagtanggol ng mga tao dito sa Earth kaya naghanap si Hades ng mga taong sasamba sa kaniya, at isa na ako do’n.”
Nanlaki ang mata ni Heron nang marinig niya ang balitang ‘yon.
“B-binenta mo ang kaluluwa mo kapalit sa kapangyarihang itim?” gulat na tanong niya dito kaya nakakaumay na ngiti ang binigay ng halimaw dito.
“Bakit? May problema ba kung ibenta ko ang kaluluwa ko sa kaniya? Kailanman ay hindi naging mabuti ang mundong ito sa akin. Puro pasakit at hirap ang naranasan ko, kaya ang kapangyarihang itim ang siyang naging kaligayahan ko. Lumalakas ako at nagagawa ko mga bagay na hindi ko magawa noon. Sabihin na nating isang agimat ang kapangyarihang itim na nasa loob ko.”
Nanigas sa kinatatayuan si Heron pagkuwan ay matulin na sinuntok ng halimaw ang dibdib ni Heron dahilan ng paglipad ng katawan nito papuntang pader.
“HERON!” pag-aalalang sigaw ni Jiyeon dito nang makita niyang sobrang nasaktan ang kaibigan niya nang makita ang bitak na pader sa likuran nito.
Mas lalong nanlaki ang mata ni Jiyeon nang hinawakan ng halimaw ang leeg ni Heron pagkuwan ay inangat pa ito.
“Lumaban ka naman!” muling sigaw ni Jiyeon ngunit di siya pinakinggan nito dahil na rin siguro sa panghihina ng katawan.
Ngumiti ang halimaw kay Heron habang tinatamasa ang pagsakal niya sa leeg nito. Hindi makapagsalita si Heron at dahil do’n ay lumapit na si Jiyeon at biglang hinampas ang dala nitong bakal sa ulo ng halimaw kaya nabitawan nito ang leeg ni Heron.
Napasigaw sa sakit ang halimaw kaya agad na inalalayan ni Jiyeon si Heron pagkababa nito.
“Okay ka lang?” tanong ni Jiyeon dito saka narinig niyang umuubo si Heron dahil sa mahigpit na pagkahawak ng kalaban sa leeg nito.
“Umalis na tayo!”
Hihilain na sana ni Jiyeon ang kamay ni Heron ngunit pinigilan siya nito.
“Lalaban ako, Jiyeon,” seryosong wika ni Heron dito pagkuwan ay hinarap niya ang halimaw.
“Wala akong pakialam kung binenta mo ang kaluluwa mo kay Hades. Isa lang ang sinisugurado ko sa’yo...”
Nakakauyam na ngiti ang ginawa ni Heron dito saka muling nagsalita.
“...hindi mo ako kayang talunin!”
Matapos sabihin ni Heron ‘yon ay lumabas na sa noo niya ang tanda ng pagiging Panginoon niya kasabay ng pagiging pula ng kaniyang mata at paglabas ng espada sa kamay niya. Natigilan ang halimaw nang makita niya ‘yon ngunit hindi siya nagpatalo kundi mas lalong pinalakas niya ang kapangyarihan niya.
“May nakapagsabi sa akin na isa kang Panginoon ng Lupain ng Moonhollow. Pero ang kapangyarihan na ‘yon ay mananatili lang sa mundo niyo. Ah, nakalimutan ko pala... wala na pala ang Zeta, winasak na ni Hades!”
Nanlaki ang mata ni Jiyeon sa narinig niya. Paanong nalaman ng halimaw na ‘to ang totoong nangyari sa mundo ni Heron?
“Isa ka ba talagang alagad ni Hades?” tanong ni Jiyeon dito.
“Umalis ka na dito, Jiyeon dahil ayokong madamay ka,” mahinahong wika ni Heron kaya lumabas na lamang ito upang di ito madamay pa.
Lihim na huminga nang malalim si Heron nang pakiramdaman niya ang enerhiya ng halimaw mula sa katawan nito. Hindi na siya magtataka na isa itong malakas na nilalang kaya naman nangangamba siya na baka di niya ito matalo.
“Natatakot ka ba?” mapang-asar na wika ng halimaw sa kaniya kaya napabuga ng hangin si Heron at pinalakas ang loob na matatalo niya ito.
“Wala akong kinatatakutan! Kaya humanda ka!”
Agad na lumapit si Heron dito at sinubukang patamain ang matulis na bahagi ng espada sa dibdib nito ngunit mabilis itong nakailag. Sa liit ng convenience store ay nakagawa ang halimaw ng isang malaking butas sa kisame kaya lumabas ito at lumipad sa alapaap. Kaagad naman na sinundan ni Heron ang kaaway sa itaas upang harapin ito.
“Paano na ang negosyo ko?” naiiyak na wika ng may-ari ng tindahan.
Nang marinig ‘yon ni Heron ay agad na naglabas siya ng kapangyarihan upang ayusin ang mga nasirang bahagi sa tindahan. At dahil do’n ay nabawasan ang inerhiya niya.
“H’wag mo nang idamay ang buhay ng mga tao dito,” pakiusap ni Heron dito ngunit tinawanan lang siya ng halimaw.
“Hehe. Ito ang buhay ko at wala kang karapatang diktahan ako!”
Karakang sinugod ng halimaw si Heron at biglang humaba ang matalim niyang kuko na nagsilbing sandata niya laban dito. Naglaban ang dalawa sa alapaap hanggang sa maubusan ng inerhiya si Heron.
“Yaaa!” sigaw ng halimaw pagkuwan ay kaniyang tinamaan ang tyan ni Heron gamit ang siko kaya bumagsak ito sa semento. Mabilis siyang lumapit dito at akmang pupugutan na niya ng ulo ito ngunit humarang si Jiyeon dito.
“Saniban mo ako!” wika ni Jiyeon sa kaisipang naubusan na ng enerhiya si Heron sa pakikipaglaban dito at kailangan nito ng tulong upang talunin ang halimaw.
“Alis kung ayaw mong ikaw ang hiwain ko!” galit na hiyaw ng kalaban sa kaniya.
Nang gagawin na ng kaaway ang paghiwa sa ulo ni Jiyeon ay biglang lumutang si Jiyeon at may kung anong puting liwanag ang natuklasan ng mga tao sa buong katawan nito.
“A-anong nangyayari?” naguguluhang tanong ng mga tao.
“Nasaniban na ata ang lalaking ‘yon. Tingna mo, wala na ang katawan ng lalaking nakipaglaban sa halimaw na ‘yon.”
Parang may sumabog sa loob ng katawan ni Jiyeon ang puting ilaw hanggang sa mag-body fusion ang dalawa. Malakas na inerhiya ang naramdaman ng halimaw nang matantuan niya ‘yon kaya napaatras siya dito.
Ngumiti si Heron nang mangyari ‘yon at bumalik na muli ang lakas niya bilang Panginoon.
“Sinong nagsabi na hindi ko puwedeng gamitin ang kapangyarihan ko dito? Nakakamali ka!”
May kung anong malaking asul na bilog na kapangyarihan ang binuo ni Heron sa kamay niya at agad na binato niya ‘yon sa halimaw na gano’n lang kasimple. Nanlaki ang mata ng halimaw at wala siyang magawa kundi salubungin ang kapangyarihan na ‘yon hanggang sa maglaho siya.
Dahan-dahang bumaba si Heron at nang mangyari ‘yon ay narinig niya ang masigabong palakpak ng mga taong nakapaligid sa kanila.
“Grabe! Para kaming nanunuod ng action movie!” manghang ngiting wika ng lalaki dito.
“Baka naman kasi isa ‘tong prank at may mga camera palang nakapaligid sa atin ‘no?”
“Parang imposible naman kung prank lang lahat ng ‘to! Paano naayos ni Heron ang tindahan ni Miss Rowena?”
“Ay oo nga ‘no?”
Matapos ang usapan ng mga tao ay kusang humiwalay si Heron sa katawan ni Jiyeon at bigla itong bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.
“Heron!” sigaw ni Jiyeon kaya agad niyang inalalayan ang kaibigan at dinala sa condo niya.
Mukhang totoo ang sinabi ng halimaw kanina ang tungkol sa kapasidad ng kapangyarihan ni Heron sa Earth. Ito nga ba ang dahilan kung bakit may isang nilalang na kamukha niya ang nabubuhay dito sa mundo?