Chapter 14
"MATAGAL na panahon nang gawin ng mga Mythologist ang templong ito. My grandfather found this place at dito niya nakilala si God Yeshua. He's also a Mythologist at parang walang naniwala sa kaniya noon about sa mga Mythic Gods, pinagtawanan siya at tinuring isang baliw dahil do'n. Naglakbay siya hanggang sa matagpuan niya ito. Napakabait ni God Yeshua bago siya bumalik sa trono niya," salaysay na wika ni Xavier dito.
Humiwalay si Heron kay Jiyeon saka nagsalita ito kay Xavier.
"Ibig mong sabihin ay hindi na natin siya makikita sa personal? Anong nangyari kay God Yeshua?"
"Oo. Though he's immortal pero nakakulong siya ngayon sa rebultong naka-display sa harap ng altar. Sinumpa siya ng isang makapangyarihang salamangkero dahil hindi niya magawa ang hinihiling nito sa kaniya."
"May daan ba para makalabas siya?" tanong ni Jiyeon dito.
"Lahat na atang pumasok sa isip ko na makalabas siya, nagawa ko na 'yon nang paulit-ulit pero walang nangyari. Until now ay wala akong magawa."
Walang imik na lumapit si Heron sa altar at nilagay niya ang bituin dito saka siya nagsalita.
"Kahit anong hiling ay puwede niyang gawin, hindi ba?" wika ni Heron dito saka siya muling nagsalita.
"Hinihiling ko na lumabas ka sa iyong kulungan at matanggal ang bumabalot na sumpa sa iyo. Mangyaring mabuhay ka muli at matulungan mo kami."
Nanlaki ang mata ni Xavier nang marinig niya 'yon. At mas lalong namangha siya nang marinig niya ang boses ni God Yeshua.
"Malugod kong binabati kita sa pagdating mo sa planetang Earth, Lord Heron. Ngunit hindi ko magagawa ang kahilingan na 'yon dahil alam kong mas importanteng ang kaligtasan ng mundong ito. Maaari ko bang malaman ang isa mo pang kahilingan?"
"Bakit hindi puwede?" kunot-noong tanong ni Heron dito.
"Walang saysay at walang mapapatunguhan ang buhay ko kapag lalabas ako dito. Ang kapangyarihan ko ay panandalian lamang kapag lumabas ako sa altar."
Malungkot ang mukha ni Xavier sa narinig niya mula kay God Yeshua. Mawawalan ng kapangyarihan ito kung lalabas siya sa kulungan kaya minarapat ni God Yeshua ang manatili sa altar.
Napaisip nang malalim si Heron saka niya inangat nang bahagya ang kamay niya. Nararamdaman niya ang panghihina ng kaniyang katawan na para bagang inuubos ng Earth ang kapangyarihan niya.
"Kung ang kahilingan na 'yon ay walang bisa para sa'yo, mangyaring hihilingin kong bigyan mo ng kapangyarihan si Jiyeon. Dama kong hindi nauubusan na ako ng kapangyarihan at mukhang malabong mapaslang ko mag-isa si Thanatos at Hades. Magagawa mo ba 'yon, God Yehsua?"
Nanlaki ang mata ni Jiyeon saka siya nagsalita.
"What are you talking about, Heron? Hindi ba dapat ikaw ang tagapaglitas ng mundong ito? Wala akong pakialam sa kapangyarihan na 'yan at sa tanang buhay ko, hindi ako nangarap na maging isang superhero," protesta ni Jiyeon dito kaya humarap si Heron saka ito sumagot.
"May dahilan kung bakit magkamukha tayo at kung bakit dinala ako ni God Zeus. Kung may sarili kang kapangyarihan, kaya mo rin labanan sina Hades at Thanatos. Maniwala ka sa akin, Jiyeon. Hindi na magtatagal, mauubusan na ako ng kapangyarihan."
"P-Pero kasi..."
Hindi na pinakinggan ni Heron ang kaibigan niya bagkus ay muli siyang humarap kay God Yeshua.
"Gawin mo na ang kahilingan na 'yon, God Yeshua. Bigyan mo ng kapangyarihan si Jiyeon na katumbas ng lakas ko," seryosong wika ni Heron dito.
"Kung gayo'n ang hiling mo, bibigyan ko ng kapangyarihan si Jiyeon."