**
CHAPTER 13
"NGUNIT paano natin mahahanap si Goddess Tala?" tanong ni Heron dito.
"Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ang puwedeng tumawag sa kaniya gamit ang kapangyarihan mo."
Hindi na nagdalawang isip si Heron na tawagin si Goddess Tala gamit ang kapangyarihan niya. Ilang minutong nakalipas ay lumitaw ang isang napakagandang diwata sa harap nila.
"Ano po ang maipaglilingkod ko sa'yo, Panginoong Heron?" ngiting tanong ng diwata sa kaniya.
"Maaari ko bang malaman kung saan ko makikita ang bituing nagdala sa akin dito? Kumakalat na ang itim na kapangyarihan sa mundo at kailangan natin mapigilan iyon."
"Ito po ba ay iaalay niyo sa altar ng Panginoong Yeshua?"
"Tama kayo."
May kung anong larawang pinalabas si Tala na tila bagang binabalik-tanaw ang nangyaring pagpasok ni Heron sa Earth.
"Hindi ito ang ordinaryong bituin, Panginoong Heron. Mukhang hindi galing to sa'kin."
Napakunot-noo na lang si Heron dahil hindi niya ito maintindihan.
"Ano ang ibig mong sabihin, Goddess Tala?"
"Si God Zeus ang tumawag sa'yo dito, hindi ang bituin ko."
"Paano po namin makukuha ang bituin na 'yon kung galing kay God Zeus?" pagsingit na tanong ni Jiyeon dito.
Ngumiti lamang ang diwata pagkuwan ay muli itong nagsalita.
"Kaya kong tawagin ang bituin na 'yon at ibigay sa'yo."
Marahang tumawa si Xavier nang marinig niya 'yon.
"Sinasabi ko na nga ba! Goddess Tala can do everything kapag tungkol sa bituin. God Yeshua is a Wish God. Lahat ng kahilingan mo ay matutupad kapag mag-aalay na kakaibang bagay mula sa'yo."
Napaisip nang malalim si Heron sa narinig niya. Kung Wish God si God Yeshua, lahat ng mga kahilingan ni Heron ay puwede niyang idaing dito.
"Kahit anong kahilingan?" tanong niya sa sarili pagkuwan ay binaling niya ang tingin niya kay Jiyeon.
"Tama po kayo, Panginoong Heron. Kaya ibibigay ko na sa'yo ang bituin na hinahanap mo."
May kung anong dilaw na liwanag na natanaw si Heron nang ipalabas ni Goddess Tala ang bituin gamit ang kapangyarihan nito. Di kalaunan ay lumutang sa kamay ng diwata ang bituin saka niya nilagay sa mahiwagang garapon.
"Narito ang bituin na hinahanap mo, Panginoong Heron," ani ng diwata nang ibigay niya kay Heron ang garapon.
"Maraming salamat, Goddess Tala. Malaking tulong ito para sa Earth."
"Wala anuman aking Panginoon. Mangyaring tawagan niyo muli ako kung may nais kayong tanong o tulong mula sa akin," ngiting wika ng diwata saka siya unting naglaho.
Mainam na pinagmamasdan ni Heron ang lumulutang na bituin sa garapon. Napangiti siya habang nakatingin siya dito na tila bagang gustong-gusto niya matupad ang isang hiling na idadaing niya mamaya.
"Kailangan na natin puntahan ang altar ni God Yeshua," ani Heron dito kay Xavier kaya naman agad nitong kinuha sa libro ang maliit na papel na nakasulat ang lugar ng altar.
"Alright! We need to go there now bago pa masakop ng itim na kapangyarihan ang planet Earth!" excited na wika ni Jiyeon dito. Sumanib si Heron kay Jiyeon saka sinama nila si Xavier sa paglipad papuntang altar.
Pagdating nila ay tahimik na naglakad sila papasok sa templo. Tanaw nila ang lawak nito sa loob at maraming mga statuwang lawaran ng mga panginoon ang nakadisplay sa gilid. Napataas ng kilay si Heron nang makita niya ang mukha ng kaniyang Ingkong.
"God Ares? Paano nila nagawang gawin ito?" tanong niya dito.