Chapter 12
HINDI na nagdalawang isip si Heron na puntahan nila si Xavier sa bahay nito. Pagdating nila ay agad silang pinagbuksan nito.
"Pasok kayo," anito saka tahimik na pumasok ang dalawa.
Dirediretsong naglakad sa loob si Heron at ginala ng kaniyang mata ang malaking library ni Xavier.
"Ang dami mong libro," manghang wika ni Heron dito.
"Mythologist siya kaya ang dami niyang inaaral tungkol sa mga kagaya niyo," tugonni
Jiyeon dito.
Ngiting humarap si Xavier kay Heron at saka ito muling nagsalita.
"Alam ko pong isa kang Panginoon, Lord Heron. Malugod po kitang binabati sa pagdating mo sa Earth."
Laking gulat ni Jiyeon nang bigla itong nagpatirapa sa harapan ni Heron. Ganito kagalang si Xavier at mas ginagalang nito ang pinaniniwalaan niyang mga diyos. Matapos siyang lumuhod ay ngumiti siya dito.
"Malapit nang wasakin ni Hades ang mundong ito kaya nagpalabas siya ng itim na
kapangyarihan," ani Xavier pagkuwan ay nagtungo siya sa lamesa at may
kinuhang libro.
"May nabasa ako dito ang tungkol sa itim na kapangyarihan at tama nga ang propesiyang ikaw, Lord Heron ang tagapagtanggol ng mga tao sa Earth."
"Pero...paano natin mapipigilan ang paglaganap iyon?" tanong ni Heron dito.
"Sa pagkakaalam ko, si Thanatos ay alagad ni Hades ngunit konektado sila sa isa't
isa."
Napataas ng kilay si Jiyeon nang marinig niya 'yon.
"You mean galing kay Thanatos ang itim na kapangyarihan?" tanong niya dito.
Tumango si Xavier saka pinakli muli ang libro.
"Ayon dito sa libro, para mapigilan mo ang itim na kapangyarihan ay dapat mapatay
niyo si Thanatos."
Napahigpit ng kuyom ng kamay si Heron dahil sa narinig niya.
"Hindi ko pa rin alam kung paano ko mapipigilan ang itim na kapangyarihan. May alam ka ba, Xavier?"
Ngumiti si Xavier saka siya nagsalita.
"Immortal si Thanatos kaya alam kong mahirap siyang talunin. Ngunit may isa akong alam na kahinaan niya. 'Yon ang tamaan mo siya sa puso."
"Puso?"
"Opo. Pero isang tunay na Panginoong tagapagligtas lamang ang makakagawa no'n. Ikaw 'yon, Lord Heron."
"Saan ko makikita si Thanatos? May alam ka ba?"
"Di na magtatagal, darating na si Thanatos sa Earth. Kapag bilang na ang mga halimaw
saka siya darating."
Napakunot-noo si Jiyeon dahil di niya ito mawari.
"Paanong bilang? Ibigsabihin... may bilang na inaantay si Thanatos bago siya pumasok sa mundo?"
"Oo. Sa pagkakaalam ko, hindi mabubuo ang kapangyarihan niya kapag hindi niya
makompleto ang bilang ng mga kaluluwa ng tao."
"Wala na bang ibang paraan na mapigilan ang bilang na 'yon?" tanong ni Heron.
"Mahirap po gawin, Lord Heron. Kailangan mo ulit matandaan kung paano ka nakapasok sa Earth. May naalala ka bang bagay ang dahilan kung bakit nakapasok ka dito?"
"Naalala ko ang bituin na nagdala sa akin dito."
"Bituin?"
Napaisip nang malalim si Xavier dahil wala siyang matandaang bagay ang tungkol sa bituin maliban na lamang sa Goddess of Star na si Tala.
"We need to summon Goddess Tala to help us. Siya lang ang may alam tungkol sa
bituin."
"Anong gagawin natin kapag nahanap natin ang bituin na nagdala sa akin dito?"
"Iaalay natin 'yon sa Panginoong Yeshua sa altar niya at hihilingin ang bagay na mawala
ang itim na kapangyarihan."