Chapter 36

2225 Words

CHAPTER 36 NAPANSIN ni Heron na pinapalibutan na siya ng mga halimaw. Nang akmang susugurin na siya ay nilabas niya ang kaniyang kutsilyo sa bulsa. “Hali kayo dahil hindi ko kayo uurungan!” galit na tonong wika ni Heron sa kanila. Malakas na hiyaw ang ginawa ng mga halimaw nang sugurin siya nito. Lumaban si Heron at pinatay niya ang mga halimaw gamit ang kutsilyo hanggang sa makaramdam siya ng pagod. Ilang sandali pa ay narinig niya ang marahang pagtawa ni Thanatos nang dumating ito. “Sumuko ka na, Heron kung ayaw mong tuluyan kang mamatay,” nakakauyam na ngiti ang wika nito kaya napabuga ng hangin si Heron at mainam na pinatay niya ang mga natitirang halimaw sa paligid niya. Nakahandusay at duguan lahat ng mga nilabanan niyang halimaw. Napangiwi si Thanatos nang masaksihan niya ‘yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD